Jeric Raval, nagsalita na sa pagkakaugnay ng anak na si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Hinihintay ng publiko ang pagsasalita ng dating action star na si Jeric Raval tungkol sa pagkakaugany ng kanyang anak na si AJ Raval kay Aljur Abrenica.

Hindi kasi lingid sa publiko ang pagiging isang protective father niya sa kanyang labingwalong anak kabilang na si AJ.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni AJ ang panliligaw sa kanya ni Aljur na nakasama niya noon sa isang pelikula.

Sinabi rin ng sexy star na aprubado ng ama ang nasabing panliligaw.

Samantala, sa isang report ng entertainment website na PEP.ph ay nagbigay si Jeric ng kanyang saloobing hinggil sa panliligaw ni Aljur sa kanyang anak.

Ayon kay Jeric, may tatlong bagay siyang itinanong kay Aljur noong magkita sila.

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko.

“Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

“Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’

“Second, kung ‘ikaw ba ay hiwalay na?’

“Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'”

Ipinaliwanag naman ni Jeric kung bakit niya naitanong ang mga iyon sa manliligaw ng anak.

“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”

Matatandaang kamakailan rin ay kumalat sa social media ang ilang larawan nina AJ at Aljur habang nasa isang mall.

Base sa mga ito, makikita ang sweetness at closeness nilang dalawa.

Agad na umani ng reaksiyon ng netizens ang nasabing mga larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: