Annabelle Rama, nakahanap nga ba ng katapat at nabawasan ang katarayan?

“Hay nako, no comment.”

Ito ang naging sagot ni Annabelle Rama nang hingan siya ng anak na si Ruffa Gutierrez ng mensahe para kay dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon.

RELATED STORIES:

Sa Instagram story ni Ruffa, makikita ang pakikipagkulitan niya sa ina.

“She’s not in the mood LOL,” ani Ruffa.

At nang tanungin nga niya sa mensahe nito kay Cong. Guanzon, ang tila naiinis nitong sagot ay:

“Hay nako, no comment.”

Matatandang nagsimula ang iringan sa pagitan nila nang direktang tanungin ni Cong. Guanzon sa pamamagitan ng isang tweet si Ruffa.

May kinalaman ito sa umano’y pagpapalayas ng aktres sa dalawang kasambahay.

RELATED STORIES:

Sinagot naman ito ng aktres at itinaggi ang akusasyon.

Sa Facebook post naman ng inang si Annabelle, nag-iwan ito ng mensahe sa tinawag niyang ‘chismosang marites.’

Bagama’t hindi pinangalanan, pakiwari ng ilang netizens ay para kay Cong. Guanzon ang nasabing mensahe kaugnay ng ‘kasambahay issue’ na inilabas nito.

At ngayon ngang tila ayaw nang magbigay ng komento ni Annabelle, may ilang netizens na nag-react at nagbigay ng kanilang saloobin.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Natameme yata ngayon ang katarayan niya? Anyare?”

“Ay, nag-expect pa naman ako na magtataray sya ulit. Haha”

”Ang tapang niya sa FB post tapos nung sumagot si Guanzon, tameme na?”

”Baka naman wala lang sa mood makipagbardagulan? Haha”

”Wait nyo yan, may resbak ulit yan. Wala lang sa mood.”

”Knowing Annabelle, di pa tapos ang laban. HAHAHA”

Panoorin ang buong video nina Ruffa at Annabelle dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: