Annabelle Rama, tinalakan ang isang ‘chismosang marites’

Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ni Annabelle Rama ngayong araw, July 11.

Sa nasabing post, nag-iwan si Annabelle ng mensahe sa isang tinawag niyang ‘chismosang marites’ ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Kinastigo niya ito na tila umano CCTV ng anak niyang si Ruffa Gutierrez.

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites??

“Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo.

“Baka gusto mo mapasali sa MAID IN MALACANANG kaya ka nagpapapansin??”

RELATED STORIES:

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Ruffa sa kontrobersiya nang lumutang ang isyu ng umano’y pagpapalayas sa dalawang kasambahay.

Sa isang tweet, direkta itong tinanong ni dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon tungkol sa nasabing isyu.

“Ms Ruffa Gutierrez is [it] true?

”My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first claess village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”

Sinagot naman ni Ruffa ang nasabing tweet at itinanggi ang katotohanan ng balita.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”

Sunod-sunod din ang naging reply niya sa tweet upang magpaliwanag.

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako.

“They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years.

“We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga.

“My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: