Ruffa Gutierrez at Cong. Rowena Guanzon, may patutsada sa isa’t isa?

Usap-usapan ng netizens ang social media posts nina Ruffa Gutierrez at dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon.

Kapansin-pansin kasi para sa ilan na tila nagpapatutsadahan ang dalawa sa kanilang mga posts.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

RELATED STORIES:

Sabi ni Ruffa sa kaniyang tweet:

”Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag-aralan nga, asal kanto naman. Gosh.”

Di nagtagal ay may post naman si Cong. Guanzon sa kaniyang Facebook account.

”jwu! Hindi lahat ng nanalo ng award magaling, yung iba scam. Gosh. ☹️”

Bagama’t hindi pinangalanan ng dalawa kung sino ang tinutukoy nila sa kanilang posts, napansin ng ilang netizens ang paggamit nila pareho ng “woke up” at “gosh” sa parehong posts.

Kasunod nito ay may ilan pang Facebook posts si Cong. Guanzon.

RELATED STORIES:

Matatandaang nagsimula ang iringan ng dalawa nang maungkat ang isyu ng umano’y pagpapalayas ni Ruffa sa dalawang kasambahay nang hindi pinapasahod.

Sa isang tweet ay tinanong ni Cong. Guanzon ang aktres tungkol dito.

Una na rin itong sinagot ni Ruffa at itinanggi ang paratang.

Maging ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ay nag-post sa Facebook upang ipagtanggol ang anak.

Wala man itong binanggit na pangalan sa nasabing post, hula ng ilang netizens ay si Cong. Guanzon ang pinatutungkulan nito na ‘chismosang marites.’

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: