Ruffa Gutierrez, dawit nga ba sa isyu ng pagpapalayas umano sa dalawang kasambahay?

Usap-usapan sa social media ang Facebook post ni dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon.

Sa kaniyang Facebook post kagabi, July 7, ibinahagi niya ang screenshot ng dalawang tweets niya na may kinalaman sa pinalayas umanong kasambahay.

Aniya, “Marangal ang trabaho ng isang kasambahay. Sila ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating mga tahanan. Nakakagalit! Ipaglalaban ko kayo!”

Sa isang tweet, tinawag niya ang pansin ni PAO Chief Persida Acosta.

Ibinahagi niya na dalawang ksambahay mula sa Negros Occidental ang pinalayas umano ng amo nila sa Ayala, Alabang nang hindi ibinibigay ang suweldo nila.

”Calling PAO chief Persi Acosta. 2 household helpers from Kabankalan Negros Occ were thrown out of Ayala Alabang tonight by their employers without paying their salaries. My friend had to rescue them #mgawalangpuso.”

Sa isa pang tweet, sinabi niyang nai-rescue na ng isang kaibigan niya ang dalawang kasambahay.

”My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers withour paying their salaries. Where is your compassion?”

Sa isang panibagong tweet ngayong araw, July 8, ay ini-retweet ni Guanzon ang sariling tweet at binanggit ang pangalan ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

“Ms Ruffa Gutierrez is [it] true?”

Hindi man niya direktang binanggit kung ano ang kinalaman ni Ruffa sa nasabing insidente ng mga kasambahay, mabilis namang nag-react ang mga netizens na ang aktres umano ang tinutukoy na “employer” sa nasabing tweet.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!