SANIB-PWERSA: ‘It’s Showtime’ at ‘Lunch Out Loud’, back-to-back nang mapapanood sa TV5

Matapos ang matagal nang bulong-bulungan, kumpirmado nang mapapanood sa TV5 ang ABS-CBN daily noontime show na It’s Showtime.

Ito ang inianunsiyo ng TV5 kagabi, July 6, sa kanilang newscast na Frontline Pilipinas.

RELATED STORIES:

Sa report ni MJ Marfori, tinawag niyang “back to back na pagsasama ng Lunch Out Loud at It’s Showtime” ang mangyayari.

Inilarawan din niya ito bilang, “Ang dating magkatapat, ngayo’y magkapatid na.”

Wala pang ibang detlaye na ibinigay sa pagsasanib-pwersa na mangyayari ngayong July 2022.

Kasalukuyang magkatapat ngayon ng oras ang dalawang noontime shows.

Ang It’s Showtime ay napapanood sa A2Z Channel 11 sa free TV at sa iba pang online platforms ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga hosts nito sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Kim Chiu, Karylle, at iba pa.

Samantala, ang Lunch Out Loud naman ay kasalukuyang umeere sa TV5.

Kabilang sa mga hosts nito sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Bayani Agbayani, at iba pa.

Direktor nito ang dating direktor ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes.

Sina Billy at K ay dati ring bahagi ng It’s Showtime bilang host at hurado.

RELATED STORIES:

Una nang nagkaroon ng partnership ang TV5 at ABS-CBN noong January 2021 nang simulan ang pag-eere ng Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To sa Kapatid Network.

Sinundan din ito ng FPJ: Da King, at ng buong ABS-CBN Primetime Bida, at Idol Philippines.

Panoorin ang buong balita ng pagsasanib-pwersa ng dalawang noontime shows dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: