Direk Bobet Vidanes, nagsalita na tungkol sa pag-alis niya sa ‘It’s Showtime’

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang dating direktor ng ABS-CBN noontime show na ‘It’s Showtime’ na si Direk Bobet Vidanes tungkol sa pag-alis niya sa programang siya mismo ang bumuo at nagsimula.

Naging usap-usapan noon ang tila biglaang pag-alis niya dito para lumipat sa katapat na programang “Lunch Out Loud’ (LOL) sa TV5.

Sa kanyang birthday celebration sa LOL kahapon, October 11, ay binasag na ni Direk Bobet ang katahimikan tungkol sa nangyaring lipatan.

Ang kanyang kalusugan ang isa sa mga ibinigay na dahilan ni Bobet sa pag-alis nito sa It’s Showtime.

Hindi na raw healthy ang kanyang pagtatrabaho na posibleng ikamatay niya nang maaga.

“Isa pa po sa main reason kung bakit ako naghanap ng ibang buhay, ito po totoo ‘to, pinili ko po yung health, yung kalusugan. 

“Kasi po, yung pagtatrabaho ko sa kabila, hindi na po healthy. Mamamatay po ako nang maaga.

“Ang ganda ng programa, pero it’s not healthy anymore.

“To make it short lang, I’m here sa Lunch Out Loud or any program, no pressure. I am happy now.”

Nilinaw rin niya na walang katotohanan ang naging balita noon na tungkol sa pera ang dahilan ng pag-alis niya sa ABS-CBN.

“It’s not about the money na sinasabi niyo. It’s about help.

“I hope po na naiintindihan niyo. Sana po sarado na tayo doon, it’s my health. It’s not healthy anymore.

“Pero sobrang mahal ko po yung kompanyang ‘yan. Sobrang mahal ko yung programa na ‘yan.”

Hindi naman idinetalye ni Direk Bobet Bobet kung bakit nasabi niyang hindi na healthy ang pagtratrabaho niya noon sa ‘It’s Showtime.’

“May dahilan po kasi. May dahilan po, baka hindi niyo maintindihan.

“Pamilya yung stage, e. Pamilya na yung panahon na birthday ko, nandito ako with artists. Magkakaiba nga lang yung mukha.

“I miss my Showtime family, pero nakakatuwa, nung nagbibigay kayo ng message (LOL hosts) sa akin, for the longest time, sina Anne Curtis ang kaharap ko, sina Jugz and Teddy. 

“Nakakatuwa, iba naman yung nagbibigay ng message akin, so parang ang lawak na pala ng nagmamahal sa akin.”

Panoorin ang video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: