Bea Alonzo, ayaw makatrabaho ang ex-boyfriend: “Isa lang naman ‘yung ayoko”

“Isa lang naman ‘yung ayokong ex.”

Ito ang naging pahayag ng Kapuso actress na si Bea Alonzo nang mapag-usapan ang tungkol sa kaniyang mga naging kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Guest si Bea sa YouTube channel ni Barbie Forteza kung saan game siyang nagpa-interview tungkol sa mga naging bahagi ng nakaraan niya.

Nang tanungin siya kung willing ba siyang makatrabaho ang isa sa kaniyang mga ex-boyfriend, mabilis ang naging tugon niya.

“Depende kung sinong ex.”

Kuwento ni Bea, walang problema sa kanya kung si Zanjoe Marudo ang makatrabaho niyang muli dahil hindi naman daw naging masama ang kanilang hiwalayan.

“Until now we’re friends [ni Zanjoe]. It would be disrespectful to our relationship if we ended badly.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Isa lang naman ‘yung ayokong ex,” patuloy ni Bea.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Bea kung sino ang tinutukoy niya, mabilis naman ang naging espekulasyon ng netizens.

Ayon sa kanila, maaaring si Gerald Anderson ang tinutukoy niya.

Noong taong 2019 ay naging kontrobesiyal ang hiwalayan nina Bea at Gerald at naging usap-usapan rin ito ng publiko.

Ibinunyag kasi noon ni Bea na bigla na lamang siyang “ghinost” o basta hindi na lang kinausap ni Gerald.

Naging usap-usapan rin noon na si Julia Barretto umano ang naging dahilan ng nasabing hiwalayan.

“Iba kasi kapag may betrayal na factor,” paliwanag pa ni Bea.

Nang tanungin naman siya kung ayos lang sa kaniya na magkaroon ng romantic scenes kasama ang isang ex-boyfriend, sinabi niya na alam naman niya ang kaniyang hangganan.

“Hindi ako takot sa ganon because I know my boundaries as an actor and as a girlfriend to Dom (Dominic Roque)”. 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Sa Dominic ang present boyfriend ni Bea.

Panoorin dito ang kabuuan ng nasabing interview. 

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: