Bobet Vidanes, nilait-lait sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at mga Showtime Dancers?

Isiniwalat ng showbiz writer at radio and TV personality na si Cristy Fermin na nakatanggap siya ng text messages mula sa isang mapagkakatiwalaang source tungkol kay Direk Bobet Vidanes.

Ito ay tungkol sa umano’y hindi magandang pagtrato ni Direk Bobet sa ‘It’s Showtime’ hosts.

Si Direk Bobet ang dating direktor ng nasabing ABS-CBN noontime show bago ito lumipat sa katapat na programang ‘Lunch Out Loud’ sa TV5.

Ang kasalukuyang hosts ng ‘It’s Showtime’ ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez, Karylle, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, at iba pa.

Labing-isang taon na naging direktor ng programa si Direk Bobet at siya rin mismo ang nag-conceptualize at bumuo nito.

Sa episode ng programa ni Cristy na ‘Cristy Ferminute,’ ikinuwento niya ang tungkol sa nasagap niyang balita.

“Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito.

“Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama.

“At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).”

Dito na raw idinetalye ng dating kasamahan ni Direk Bobet ang kwento niya.

“Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang b*bo ni Vhong Navarro’. Si Vice naman, ‘B4sura talaga ang ugali ng bakla’. Naririnig ‘yun ng mga cameramen sa headset. ‘Wag siyang magsinungaling’.”

MAging ang mga dancers ng show ay tila napagdiskitahan umano ng direktor.

“Ang bob*bo talaga ang mga babaeng ‘to. Magaling lang magsayaw”.

Matatandaang kamakailan lang ay nagsalita na si Direk Bobet tungkol sa naging desisyon niyang iwanan ang programa.

Ayon sa kanya, masyado nang toxic ang programa kung kaya’t mas minabuti niyang iwan na ito.

“Dati po kasi, ako ang lider dun. Tapos, ang dami nang lider.

“Lahat po, gusto nang maging lider.

“So, it’s not good.”

Bagama’t walang nabanggit na mga pangalan sa rebelasyon niya, maraming haka-haka ang nabuo sa isipan ng mga viewers.

“Right after ng lockdown, nung bumabalik-balik na kami, iba na ang patakbo.

“It’s their style. Hindi ko naman kinuwestiyon.

“Pero sabi ko, it’s not healthy for myself. Ahhmm… gusto ko lang humaba yung aking buhay.

“So, gusto ko ng peace of mind. Ayun po.”

Samantala, wala pang reaksiyon ang mga dating kasamahan niya sa programa tungkol sa mga naging rebelasyon niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: