It’s Showtime, mapapanood rin sa TV5 kapalit ng Lunch Out Loud?

Marami ang nagulat nang matuloy ang tila imposibleng mangyari na pagsasama ng ABS-CBN at TV5.

Ngayong araw, January 21, tinapos ng dalawang networks ang ilang araw nang usap-usapan na may nilulutong partnership sa pagitan nila.

Ito ay nang pormal nilang ianunsiyo ang pagpapalabas ng dalawang Kapamilya shows sa TV5. Ito nga ay ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King.

Ayon kay Robert Galang, Cignal and TV5 president:

This collaboration between Cignal, TV5, Brightlight Productions and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership.

= = = = = = = = = = = = = = =
RELATED STORIES:
ASAP Natin ‘To: Kapamilya na, Kapatid pa
Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?
ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?
= = = = = = = = = = = = = = =

Unang inianunsiyo ni Vice Ganda ang balitang ito sa It’s Showtime kanina matapos ang formal announcement sa iba’t ibang social media accounts ng Kapamilya network.

Ikinatuwa ang balitang ito ng mga loyal Kapamilya viewers dahil mas lumalawak nang muli ang reach ng ABS-CBN sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa.

Umani rin ito ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens.

Ang timeslot na ookupahin ng ASAP Natin ‘To ay ang nabakanteng oras ng kalaban nitong programa na Sunday Noontime Live (SNL).

Balita ang pagkalugi ng producer ng SNL na Brightlight Productions kung kaya nakansela agad ang show matapos ang tatlong buwan pa lamang sa ere.

Ang Brightlight Productions din ang producer ng Lunch Out Loud (LOL) na siya namang katapat na programa ng It’s Showtime.

Posible rin kayang makatawid na sa TV5 ang It’s Showtime kapag isinuko na rin ng Brightlight Productions ang LOL na balitang patuloy rin ang pagkalugi?

Kung matutuloy ito, paano na ang dating It’s Showtime host na si Billy Crawford na ngayon ay isa sa main hosts ng LOL? Makakabalik pa kaya siya sa Showtime?

Ang dating Showtime direktor na si Bobet Vidanes na ngayon ay consultant ng LOL, magdedesisyon din kayang bumalik ng Showtime kung sakali?

‘Yan ang dapat nating abangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: