‘Lambingan’ sa social media nina Paolo Contis at Yen Santos, dinumog ng komento ng netizens

Usap-usapan ngayon ng netizens ang Facebook post ng Kapuso actor na si Paolo Contis.

Sa papamagitan kasi ng isang post ay nagpasalamat ang aktor sa napapabalitang kasintahan na si Yen Santos.

Kalakip nito ang isang larawan niya sa harap ng pagkain na nanggaling sa aktres.

“Kaldereta! Pero brown rice! 😂😂😂

“Thank you Lilieyen Santos 🥰”

Nag-reply naman ang aktres at sinabing:

”my pleasure.”

Tila humiling naman si Paolo na adobo naman sa susunod.

Pabiro naman itong sinagot ng aktres.

Agad namang dinumog ng komento ng netizens ang nasabing palitan ng mensahe ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Sana all may pa-caldereta sa a friend. haha!”

”Pwede naman mag-PM pero ipinost pa talaga. Tapos pag napansin ng madla, magre-react.”

”Pagkain lang ba ang ipinapatikim? Ay! Hahaha”

”Nag-caldereta rin ba kayo noon sa Baguio as a friend?”

”Kayo naman, baka naman walang masliya ang tikiman nila ng pagkain. Haha!”

”Caldereta, adobo, tapos ano pa? Ano pa ba ang pwedeng ipatikim? Lol”

”Sabi nga nila, wag mong sarapan ang pagpapatikim at baka hanap-hanapin. haha”

”Ayan na nga po, nagkatikiman na. Hahahaha”

”Pwede bang sa PM na lang ang lambingan na yan? Daming naiinggit eh. Charot!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: