Paliwanag ni Paolo Contis tungkol sa mga isyung kinasangkutan, hindi ‘bumenta’ sa ilang netizens?

Tila hindi tanggap ng ilang netizens ang mga naging paliwanag ni Paolo Contis kaugnay ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Matatandaang kamakailan ay binasag na ni Paolo ang katahimikan niya hinggil sa hiwalayan nila ng asawang si LJ Reyes.

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it.

“For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

Nilinaw din niya na walang kinalaman ang leading lady niya sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos sa hiwalayan.

“She was never the reason of our break up. I was.

“Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

“Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Ipinaliwanag din niya ang naglabasang usap-usapan na magkasama sila ni Yen sa Baguio gaya ng ilang kumalat na candid photos at video nilang dalawa.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”

Sa kabila ng mga pahayag ni Paolo, oatuloy pa rin siyang nakakatanggap ng pambabatikos sa social media.

Bagama’t may ilang netizens na nagpahayag ng paghanga nila sa katapangan ng aktor na sagutin at harapin ang mga issue, marami rin ang tila hindi naniniwala sa mga naging paliwanag niya.

Ilang oras lamang matapos siyang maglabas ng pahayag sa kanyang mga social media accounts, naging trending topic sa Twitter si Paolo.

Narito ang ilan sa mga tweets at reaksiyon ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: