Paolo Contis, hindi natuwa sa pag-viral ng post tungkol sa caldereta ni Yen Santos

Hindi ikinatuwa ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa pagba-viral ng caldereta na iniluto sa kanya ng rumored girlfriend na si Yen Santos.

Matatandaang sa isang Facebook post ay pinasalamatan niya si Yen para sa caldereta nito.

Sa comment section ng nasabing post ay nagpalitan pa sila ng mensahe at pabiro pang humiling ang aktor na adobo naman sa susunod.

Sa isang interview, sinabi ni Paolo na naka-private ang kanyang Facebook account.

Kakaunti lamang daw ang friends niya kaya sa tingin niya ay natraydor siya ng isa sa mga ito nanag lumabas sa publiko ang nasabing viral post.

Bukod pa dito, tila na-beast mode din ang aktor sa dami ng mga negatibong komento sa ginawa ni Yen.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay.

“Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”

Sinabi pa ni Paolo na niya na hindi niya maintindihan ang mga bashers dahil wala naman silang ginawang masama ni Yen.

“Bash sila nang bash, busog naman ako!”

Agad namang nag-react ang netizens sa nasabing intervie ng aktor.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

”Eh bakit mo kasi ipinost kung ayaw mo na mapag-usapan pala?”

“Post nang post, pag napansin, galit?”

”Wag kami ang lokohin mo, naka-public ang post mo kaya kahit private ang FB mo makikita namin yan!”

”Parang kasalanan pa ng netizens eh naka-public post ka?”

”First time ba mag-FB at hindi alam ang public post? Hahahaha!”

”Pwede naman akyo mag-private message sa isa’t isa kung ayaw talagang mapag-usapan.”

”Hayaan mo na, nabusog ka naman sa caldereta at sa kung ano pang ipinatikim sa yo. Lol”

”So, anong gagawin namin sa post mo? Makikitikim? Bawal mag-comment?”

”Kunwari ka pa, gustong gusto mo namang mapag-usapan ka.”

”So, kasalanan pa ng mga Marites? Haha”

”Kung walang post, walang comment. Walang magba-viral.”

”Think before you click kasi.”

* * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: