Pansamantalang natulala ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario dahil sa introduction ng isang contestant sa Miss Q and A nitong Martes, August 2.
May ilang salita kasi na ginamit ang contestant na si Dimple Solomon Ruiz na ikinagulat maging ng studio audience.
RELATED STORIES:
- Ruffa Gutierrez, tinalakan ang isang contestant sa It’s Showtime?
- Contestant, may resbak kay Ruffa Gutierrez: “Hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako!”
Natahimik ang lahat nang sinabi nito na, “O ano, nagulat kayo ano? Akala niyo ng*ngo ako, ‘no? M*ng*loid kaya ako.”
Ikinagulat ito ni Vice na hindi napigilang magkomento agad
“Hindi ‘yan ang intro mo nung rehearsal, ah!”
Naging maagap rin si Vice sa paghingi ng paumanhin sa mga manonood.
“As early as now, we would like to inform everyone that the views and opinions and the words of the candidates do not necessary reflect the views and opinions of the hosts, the show and the network.
“In behalf of candidate number 3, ngayon pa lamang ay humihingi na po kami ng paumanhin sa maaaring mga na-offend o hindi nagustuhan ang mga sinabi niya sa simula, lalo na ang paggamit ng mga salitang ng*ngo at m*ng*loid. Hindi na natin yun ginagamit.
“Huy, hindi yun ang ginamit mo sa rehearsal? Bakit yun ang sinabi mo? Baka mapagalitan kami, mag-explain ka.”
RELATED STORIES:
- Juliana Parizcova Segovia, ‘niligwak’ ng ‘It’s Showtime’
- Vice Ganda, ‘naaksidente’ sa It’s Showtime stage; Ion Perez, to the rescue sa jowa
- Vice Ganda, kontra sa pagbabalik ulit ng iba pang hosts ng It’s Showtime?
Agad din namang humingi ng paumanhin ang contestant.
“I’m sorry po, idinagdag ko lang. I’m really sorry po. I didn’t mean it.
“Gusto ko lang po magbigay ng kasiyahan but hindi ko po sinasadya yun. I’m really sorry for that.”
Pinagsabihan din siya ni Vice.
“Lesson learned. Again, we apologize. Pasensiya na po.
“Padala ka ba ng kalaban? Ba’t mo ginawa yun? Ang ganda na ng simula namin.
“Kasi may mga salitang hindi na angkop at hindi katanggap-tanggap. Yung mga sinasabing hindi na politically correct yung terms at saka may mga bagay na hindi puwedeng sabihin sa telebisyon.”
Samantala, sa isang Facebook post naman ay nagpasalamat ang nasabing contestant kay Vice.
“Thanks Meme Vice sa pag comfort po sa akin after ng pagkakamali ko..Talagang sinadya niyo pa po ako puntahan sa Dressing Room to Comfort me.. Napakabuti mo pong tao..Sorry po ulit..😔😔😔..”
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily