Juliana Parizcova Segovia, ‘niligwak’ ng ‘It’s Showtime’

Magbabalik na ang kinaaaliwang segment sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime — ang Miss Q and A.

Ito ay base sa teaser na inilabas ng show para sa susunod na linggo.

RELATED STORIES:

Miss Q and A: Kween of the Multibeks ang buong title ng segment sa bago nitong season.

Maikli lang ang teaser ngunit napuna pa rin ng ilang netizens na wala dito ang grand winner sa pinakaunang season ng segment.

Si Juliana Parizcova Segovia ang nagwagi ng korona noong 2017.

RELATED STORIES:

Kapansin-pansin rin na nasa teaser ang grand winner ng season 2 na si Mitch Montecarlo Suansane.

Maging ang ilan pang grand finalists sa mga naunang season ay napasama sa teaser gaya nina Brenda Mage at Chad Kinis.

Napatanong tuloy ang ilang netizens kung bakit nawawala ang unang grand winner.

Sinadya daw ba ito o nagkataon lamang?

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens tungkol dito.

”Wag hanapin ang wala. Hahaha!

”Ako lang ba ang nakapansin o talagang wala siya?”

”Nasaan si ano? Wag nang pangalanan, alam n’yo na kung sino. Haha”

”Ayan, niligwak ng Showtime. Dasurb!”

“I say dasurv na dasurv!”

”Baka manggalaiti na naman sa galit yun at wala siya? Haha”

”Part na ng history ng Showtime si Juliana. Ay, tsismis nga ang pala yun. Lol”

”Oks lang yan, season 1 pa naman sya. May mas bago na.”

”Ligwak! Pak, ganern!”

”Sana isinama pa rin siya kahit na kontrobersiyal siya ngayon. Baka magkukuda na naman eh. Hahaha”

Panoorin ang nasabing teaser dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: