Usap-usapan ng netizens ang social media posts nina Ruffa Gutierrez at dating COMELEC commissioner Rowena Guanzon.
Kapansin-pansin kasi para sa ilan na tila nagpapatutsadahan ang dalawa sa kanilang mga posts.
View this post on Instagram
RELATED STORIES:
- Ruffa Gutierrez, may balak kasuhan kaugnay ng isyu pagpapalayas niya umano sa kasambahay?
- Ruffa Gutierrez, nagsalita na sa isyu ng pagpapalayas umano sa dalawang kasambahay
Sabi ni Ruffa sa kaniyang tweet:
”Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag-aralan nga, asal kanto naman. Gosh.”
Di nagtagal ay may post naman si Cong. Guanzon sa kaniyang Facebook account.
”jwu! Hindi lahat ng nanalo ng award magaling, yung iba scam. Gosh. ☹️”
Bagama’t hindi pinangalanan ng dalawa kung sino ang tinutukoy nila sa kanilang posts, napansin ng ilang netizens ang paggamit nila pareho ng “woke up” at “gosh” sa parehong posts.
Kasunod nito ay may ilan pang Facebook posts si Cong. Guanzon.
RELATED STORIES:
- Ruffa Gutierrez, dawit nga ba sa isyu ng pagpapalayas umano sa dalawang kasambahay?
- Annabelle Rama at Cong. Rowena Guanzon, may ‘bardagulan’ nga ba sa social media?
- Annabelle Rama, tinalakan ang isang ‘chismosang marites’
Matatandaang nagsimula ang iringan ng dalawa nang maungkat ang isyu ng umano’y pagpapalayas ni Ruffa sa dalawang kasambahay nang hindi pinapasahod.
Sa isang tweet ay tinanong ni Cong. Guanzon ang aktres tungkol dito.
Una na rin itong sinagot ni Ruffa at itinanggi ang paratang.
Maging ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ay nag-post sa Facebook upang ipagtanggol ang anak.
Wala man itong binanggit na pangalan sa nasabing post, hula ng ilang netizens ay si Cong. Guanzon ang pinatutungkulan nito na ‘chismosang marites.’
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily