Kim Chiu, tsugi na sa It’s Showtime dahil sa pagbabalik ni Anne Curtis?

Palaisipan sa ilang netizens kung ano na ang magiging kapalaran ni Kim Chiu sa ABS-CBN noontime show na I’ts Showtime.

Ito ay matapos ang pagbabalik ni Anne Curtis sa programa.

 

Matatandaang pansamantalang namahinga si Anne sa showbiz noong December 2019 upang bigyang-daan ang pagbubuntis at panganganak niya noon sa panganay nila ni Erwan Heussaff.

Nalagasan din noon ng isa pang main host ang programa nang magpaalam din si Jhong Hilario para naman sa panganganak ng asawa nito.

Si Kim Chiu ang naidagdag sa pamilya ng It’s Showtime nang mapabilang ito bilang isa sa mga main hosts ng programa.

At nito ngang huli, napasama na rin bilang host si Ogie Alcasid.

Dahil sa pagbabalik ni Anne na isa sa mga original hosts ng show mula pa noong 2009, napapatanong ang ilang netizens kung may tatanggalin nga bang host ang programa.

Sabi pa ng ilan, baka si Kim ang aalisin dahil tila ito ang pansamantalang pumalit sa puwesto na iniwan noon ni Anne.

Mukhang wala namang dapat ipangamba ang mga tagahanga ni Kim dahi wala namang announcement ang programa kung may tatanggalin nga o wala.

Narito ang ilang tweets ng netizens tungkol dito.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: