Liza Soberano, nagsabing ibabawi next year ang pagkatalo ng Pilipinas sa Miss Universe?

Habang nagaganap ang Miss Universe 2020 kahapon ay kumalat sa social media ang umano’y Facebook post ni Liza Soberano na nagsasabing sasali siya sa Miss Universe sa susunod na taon.

Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year! #MissUniversePhilippines #MissUniverse #MissUniverse2021

Nasundan pa ito ng isa pang post matapos mabigong makapasok sa Top 10 ang ating pambato na si Rabiya Mateo.

Ang sabi sa post:

Bawi tayo next year! Ako bahala. 🇵🇭💪 #MissUniverse

Agad itong umani ng reaksiyon mula sa mga tagahanga at tagasuporta ng aktres.

Narito ang ilan sa mga naging komento nila.

“Ok, Liza, it’s your turn now, she did not make it, sayang talaga!”

“Petition for Elizabeth Hanley Soberano to be the next miss universe Philippines 🇵🇭”

“Go liza, We always support you!! Di man nauwi ang korona ngayon i know gagawin mo rin best mo para makuha ‘yong crown!! Proud filipino here!!”

“well this is strong! but positively strong- Go! we have you all the way”

“Go Miss Liza!take back the crown.❤”

“Pag ikaw naging pambato next year magdala ka ng isang sakong ajinomoto tutal luto-lutuan naman pala hanap ng judges”

“Baka umurong ka nnmn dapat sure yan kapag nagbitaw ka ng salita. Aabangan ko yan at sana maiuwi mo ang korona”

Ilang oras matapos mag-viral ang nasabing mga Facebook posts, nagpaliwanag si Liza sa pamamagitan ng IG stories.

Itinanggi niya na sa kanya ang nasabing Facebook account.

Hello everyone! Just dropping by to say that I DO NOT have a facebook account. This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.

Please help me spread the word and report this account.

PHOTO: Instagram | Liza Soberano

As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me. I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound).

Ang kapal naman ng face ko.

PHOTO: Instagram | Liza Soberano

Maging ang manager ni Liza na si Ogie Diaz ay nag-post sa Facebook account nito hinggil sa nasabing issue.

Nagpasalamat ito sa mga naniniwala na pang-Miss Universe ang kalibre ng kanyang alaga.

“Alam ko namang maraming nagpu-push ke Liza Soberano to join the Miss Universe-Philippines, dahil malakas kutob nila na Liza can make it. Again. thank you po.

“Pero fake account po yan.  Hindi po ganyan magsalita si Liza. Hehehe.  Saka noon pa sinabi na ni Liza, hindi pa sumagi sa isip niya ang sumali dahil alam niyang grabeng preparasyon commitment at dedication ang puhunan dito.

“Pero again, sa lahat ng naniniwala kay Liza, thank you pa rin. 😍😍😍”

Matatandaan ilang beses nang lumutang ang usaping panghihikayat ng ilan na sumali si Liza sa beauty pageants.

Maging sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray ay minsan nang nagsabi na bagay si Liza sa Miss Universe.

Si Liza ang gumanap bilang Pia nang isabuhay sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya ang kwento ng buhay nito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: