Funny Miss Universe moments, napagdiskitahan ng Pinoy pageant fans matapos matalo ang Pilipinas

Matapos hindi magtagumpay ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na makapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2020, may ibang napagdiskitahan ang mga Pinoy pageant fans.

Sa simula pa lamang ng finals night ay marami na agad mga Pinoy ang naglabas ng kanilang mga saloobin at obserbasyon sa nangyaring programa.

Kapansin-pansin kasi na tila walang gana ang isa sa mga hosts ng coronation night.

Ito si Miss Universe 2012 Olivia Culpo ng USA.

Pamilyar sa maraming Pinoy si Olivia dahil ito ang tumalo sa ating pambato noon na si Janine Tugonon na naging first runner-up niya. Maraming Pinoy ang naniniwala pa rin hanggang ngayon na mas deserving ni Janine na manalo kaysa kay Olivia.

Narito ang ilan sa mga naging komento tungkol sa pagho-host ni Olivia.

Maging ang host-comedian na si Vice Ganda na nakatutok din sa panonood ay napa-tweet tungkol kay Olivia.

Agad itong nagawan ng memes ng mga malilikhaing Pinoy.

Narito ang ilan sa kanila.

May ilan namang nagbiro na palitan na lang ni Janine Tugonon na noon ay nasa audience lamang si Olivia sa pagho-host.

Kabilang na dito si Miss UNiverse Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Maging ang reaksiyon ni Olivia nang inia-announce na ang mga winners ay hindi nakalusot sa obserbasyon ng mga Pinoy.

Maging ang announcement of winners ay hindi nakalampas sa mga mapagmasid na mga Pinoy pageant fans.

Kaiba kasi sa naging tradisyon nang magkahawak-kamay ang last 2 women standing habang inia-announce ang panalo, magkalayo sila ngayon dahil sa social distancing.

Agad itong nagawan ng memes na talaga namang nakakaaliw.

Tingnan dito ang mga nasabing memes na produkto ng malilikot na imahinasyon ng mga Pinoy.

Pati ang crowning moment ng nanalong si Miss Mexico ay hindi rin nakalampas.

Napansin kasi ng mga Pinoy pageant lovers ang facial expression ng Miss Universe 2019 habang ipinuputong ang korona sa bagong Miss Universe.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: