Performance ni Miss Universe PH Rabiya Mateo sa prelims, agaw-pansin

Umariba ang gandang Pinay sa pagrampa ng ating pambato na si Rabiya Mateo sa katatapos na preliminary competition ng Miss Universe 2020.

Bago pa man pormal na magsimula ang programa ay trending topic na sa Twitter ang #PrelimPina5 at ang tagline na ‘RABIYA FightForYourSpot‘ bilang suporta ng mga Pinoy pageant fans sa ating kinatawan.

Paglabas ni Rabiya suot ang kulay blue na Sherri Hill dress sa introduction ay mas lalong umingay ang kanyang mga tagahanga.

Lalo naman siyang lumutang sa swimsuit round ng kompetisyon.

Ipinamalas niya ang kanyang “hala bira walk” habang suot ang two-piece swimsuit mula sa Ema Savahl couture.

Patuloy siyang nagningning sa evening gown competition suot ang nakakasilaw sa gandang gown na gawa ng Dubai-based fashion designer na si Furne One Amato.

Sa kanyang Instagram post, inilarawan ni Furne ang naging disenyo ng gown ni Rabiya.

The one sided neckline tulle gown is elegantly encrusted with Citrine Swarovski crystals on the bodice cascading to the hem and cape over alabaster Swarovski components, glass beads and paillettes. The dramatic and fitted silhouette adds interest and pizzazz on its own. The cape added royalty to the gown, and its beadwork was inspired by the radiance of the Philippine sun which symbolizes positivity and optimism. A hope for a new tomorrow, a world with endless beauty and happiness.

Umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa kanyang mga tagahanga ang naging preliminary performance ni Rabiya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Yellow is the Color of the Winner!”

“Joy. Joy of winning the fifth crown๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜”

“Bagay na bagay sa kulay niya ang yellow! Nagniningning!”

“OMG! Yellow is her official color. She’s a game changer โ˜€๏ธโ˜€๏ธโ˜€๏ธโ˜€๏ธ”

“RABIYA is brighter than sunshiiiiiine!!!๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ laban Rabiyaaaaaa!๐Ÿ’ช๐Ÿ’›๐Ÿ‘‘”

“She looks so stunning!! โค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธ”

PHOTO: IMG Universe LLC

“Nakakaiyak! Worth it ang pagod ng MUPH! KUDOS!!! ๐Ÿ˜ขโค๏ธโค๏ธโค๏ธ”

“I THINK SHE NAILED IT. SHE IS SHINING BRIGHT๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ”

“D na ako kinakabahan sa top 10 at 5 spots .”

“Ang gandaaaa! Tumabi kayo, dadaan ang reyna!”

“Oh wag na hanapin yung araw, eto na siya ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ divine ๐Ÿ˜”

“Bow down to the queen ๐Ÿ™Œ๐Ÿ™Œ๐Ÿ™Œ”

“Gloriously sunny and glamorous and classy โ˜€๏ธ”

“Well done, A&Q team. I wasn’t just a fan of her hairstyle and that pumped breasts. She looked heavy while walking. It was just too pumped. But she did well.”

“Pasok na sa banga si Ibyang! Go go go!”

“Dapat may slit kasi she looked short and yung gown parang stiff masyado. Yung iba nga na matataas ang height , sobra sobra pagslit.”

“Let her wear a gown that is fit, shows some skin, show her curves para mairampa niya ng bonggang bongga bongga ang Hala Bira Walk niya.”

“Guys, try niyo lakasan brightness niyo lumulutang talaga ang ganda ni Rabiya๐Ÿ˜๐Ÿ”ฅ”

PHOTO: IMG Universe LLC

Mapapanood ang finals night sa May 16 (May 17 sa Pilipinas).

Kung masusungkit ni Rabiya ang korona, siya ang magiging ikalimang Miss Universe ng Pilipinas kasunod nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margarita Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

 

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! ๐Ÿ˜

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: