Catriona Gray, ‘inilaglag’ si Miss Universe PH Rabiya Mateo?

Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes 😍  Who were yours?

Iyan ang tweet ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos ang national costume competition ng Miss Universe 2020.

Kapansin-pansin na hindi kasama ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa mga pinili niyang ‘top 6 national costumes.’

Maraming Pinoy pageant fans tuloy ang nagtaka at nagtanong kung bakit tila inilaglag niya sa kanyang choices ang ating sariling pambato.

Ilang fans ang tinawag na ‘insensitive’ ang tweet ni Catriona na hindi man lang ikinunsidera ang ating pambato sa kanyang choices.

Narito ang ilan sa komento ng mga hindi sumang-ayon sa kanya.

“I respect and I agree with some of your choices Cat. But being a Filipino, a little commendation could have been given. I know you’re just being unbiased but also please bear in mind about things like morale and sensitivity especially this time.”

“Being honest doesn’t have to border the line of insensitivity✌️ The “Raise your flag” paradox.”

“Ok lang..palpak din naman natcos mo last time.pero nanalo ka support support nalang sana..love love ahahahha”

“Hahaha. Lahat naman tayo may sari-sariling opinyon at gusto. Ang akin lang, dapat isinasarili nalang niya, syempre iisipin ng marami, hindi lang talaga sya nakapokus kay Rabiya unlike kay Pia na todo support kay Rabiya.”

“Alam mo catriona kahit pangit at basahan pa yang suot ni Rabiya kapag Filipino ka maappreciate mo yon. Kahit di mo sinama si rabiya sa top mo dapat sinabi mo Rin na maganda din Ang sa pilipinas ganon Lang ka basic”

“Yes she is entitled to her own opinion but always remember, she is the former miss universe and she’s a Filipino. Alam nya naman na we are doing our best to support Rabiya. Senstive nalang sana sya sa feelings nga”

Samantala, ilang Pinoy fans din ang ipinagtanggol si Catriona.

“Some Filipinos still aren’t mature enough to shake off the “pakisama” culture. Just because we’re Filipinos doesn’t mean we always have to like everything that comes from the Philippines.”

“I dont like it either, i find it too flashy. But its just me and it doesnt mean that I dont love & support my country.”

“Just because she gave her unbiased top picks, doesnt mean she does not support Rabiya.”

“That is Cat’s unbiased opinion. Everyone should respect that! She is very supportive of Rabiya but it doesn’t mean that she still need to choose her as one of her top choices in NatCos because there were really amazing costumes from different countries! Lastly, NatCos doesn’t have any bearing for the Top 21, so just support Rabiya on the Preliminaries. Stop with the toxic mentality please”

“It’s her pick and opinion. Can we all just normalize the fact that we can have different preferences? Rabiya did well too. Wala bitaw bearing Nat Cos”

“Also, can people stop ATTACKING Catriona for not having the Philippines in her list???? It’s not mandatory or un-Filipino to be objective. Everyone has that right. It’s not like she’s being mean or hateful. Leave her alone!”

“Di ko magets bakit nagagalit kay cat talaga, bawal na ba magappreciate ng ibang bansa will that make you a less Filipino. Tsaka kita nyo ba behind the scenes, how sure are you that she didnt encourage rabiya?”

Sa sumunod na tweet, ipinaliwanag ni Catriona na hindi naman ang performace ng mga kandidata ang pinagbasehan niya ng kanyang top picks.

My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidates performance. I love the celebration of culture and a country’s expression of identity which is why its one of my favorite segments!

Sa isang Instagram story, pinapurihan ni Catriona si Rabiya sa ipinakita nitong performance sa kabila ng bigat ng pakpak ng national costume nito.

20++ kgs but Rabiya Mateo carried it with such strength. If this is an insight to her level of performance, so excited for prelims.

PHOTO: Instagram | Catriona Gray

Ang national costume ni Rabiya ay Philippine flag-inspired na mayroong malalaking pakpak.

Hindi na niya naisuot pa ang headpiece na kasama ng costume dahil nahuhulog daw ito at mas pinili na lang ng kanyang team na maging komportable siya sa pagrampa.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: