Komento ni MJ Lastimosa kay Miss Universe Thailand, trending sa social media

Ay, Catriona!

Ito ang naging komento ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa pagrampa ni Miss Thailand Amanda Obdam sa preliminary competition ng Miss Universe 2020.

Isa si MJ sa mga tagasuporta ng ating pambato na si Rabiya Mateo na personal na nanood ng preliminary competition ng Miss Universe ngayong taon.

Sa kanyang Instagram (IG) Live habang nagaganap ang kompetisyon, hindi napigilan ni MJ ang pagsasabi ng kanyang opinyon habang rumarampa na sa stage si Miss Thailand.

Sa nag-viral na video clip, makikitang rumarampa si Miss Thailand sa swimsuit competition nang napabulalas ng komento si MJ.

Ginaya niya si Catriona maglakad. Ganyan si Catriona eh. 

Di ba, ganyang-ganyan pati tumingin oh. Inaral niya. Aral na aral niya si Catriona. 

Maging sa pagrampa nito sa evening gown competition, pareho ang komentong nabitawan ni MJ.

Dahil sa mga komento niya at sa nag-viral na mga video clips, naging trending topic sa Twitter ang pangalan ni MJ.

Nagpaliwanag naman si MJ sa kanyang Twitter account.

Goodmorning!! Oh my gosh! Tbh When I said very cat? It’s because that’s what I saw, I watched cat live and it really reminded me of her. Now, is it good or bad? No. Beauty queens really do have a peg once they start training for pageants, inspiration or pattern na inaaral, that’s common. I am watching and talking to my seat mates so obviously I’m allowed to say something. But all we did was to appreciate girls and their beauty, if you get to watch my live. I really find Amanda beautiful with good stage presence.

Wala rin naman daw masama kung maikumpara ang isang beauty queen kay Catriona Gray dahil naging Miss Universe ito.

Bakit ba kayo nagagalit like as if Catriona reference is a bad thing. She’s one h*cK of a miss universe naturally a lot of women will look up to her. Lakas maka petty mga mars! 🤦‍♀️ ps I laughed towards the end coz I was waving at every girl and some waves back,but with her I screamed pa ‘hi and when she didn’t waved back Shamcey looked at me like ahaaa pahiya, parang tukso sakin that’s why we laughed, but not towards her. We will never!!! Sobrang out of context nila mga sizt.

Humakot din ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang mga naging komento ni MJ.

Para sa ilan, kinatuwaan nila ang pagiging prangka at natural ng naging reaksiyon niya.

“ang sarap talaga tropahin ni MJ. HAHHAHAHAHAHAHA”

“Tawang tawa tlga ako. Hahahahhaha”

“HAHAHAHA SI MJ YUNG TROPANG MASARAP KAINUMAN. MATABIL ANG BUNGANGA HAHAHAHAHA”

“mj lastimosa giving me good vibes hahahahahha”

“Tuwang tuwa ako kay Miss MJ 😂”

“We’re with you miss MJ! Hindi lang ikaw nakapansin, mula swim suit, ginagaya nya galawang cat which is like a copy cat. 😂Charlot!”

“there’s nothing wrong with stating facts especially when it is visible with two eyes but idk I like her face value hehe”

“I MEAN WHERE’S THE LIE?!?! HAHAHHAHAHAH SHE’S A MOOD”

May ilan namang hindi natuwa at sinabing hindi na lamang sana siya nagkomento nang ganoon.

“A true queen does not make fun of others. This kind of mentality is the reason why many pageant fans from other countries dislike us.”

“Can anyone please tell MJ Lastimosa to stop making rude commentaries on Miss Thailand, she’s a former queen herself and what she’s doing is not at all queenly, very inappropriate and rude, yung mga ganyang comment dapat sinasarili na lang, TOXIC lang & sum people support this??!”

“no wonder MJ didnt even make it to top 5 of MU, Her being in the top 10 is only becoz of the sash, her being MUP is beoz of politics and naawa n lng si Madam sa kanya kasi huling chance nya n nun. Low class Veneer Queen.”

“Kung effective nman why not. Kaysa magpilit k ng sayo tapos ligwak. Ngayon lng tayo kinabahan n baka hindi makapasok sa top 21 yun kandidata ntin. Anyare?!”

“Supportive but not tolerable. I understand the pressure to make Rabiya feel supported, pero that’s too much. MJ was once there, and she should have known how hard it is to be at your best. We do not condone any culture of invalidation. That goes in all forms. Not like that, sis.”

Isa si MJ sa vocal na sumusuporta kay Rabiya at isa rin siya sa mga nagtatanggol dito laban sa mga negatibong komento ng pageant fans.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: