National costume ni Miss Universe PH Rabiya Mateo, umani ng iba’t ibang reaksiyon

Kakaiba sa tradisyonal na kasuotang Filipino ang inirampa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa katatapos na national costume competition ng Miss Universe 2020.

Ang bandila ng Pilipinas ang naging inspirasyon ng kanyang national costume na gawa ng yumaong designer na si Rocky Gathercole. Ang Bulacan-based jeweler naman na si  Manny Halasan ang may gawa ng headpiece nito.

Sa Instagram post ng training camp ni Rabiya na Aces and Queens, ipinasilip nila ang buong detalye ng nasabing national costume.

Kapansin-pansin na sa larawan sa nasabing IG post ay may headpiece ang national costume na may disenyong araw.

Maraming Pinoy pageant fans tuloy ang nagtaka at nagtanong kung bakit hindi ito suot ni Rabiya noong rumampa siya sa kompetisyon.

May paliwanag naman dito ang Miss Universe Philippines national director na si Shamcey Supsup.

I’m pretty sure alam niyo naman na I brought the headpiece for Rabiya but unfortunately it was… she couldn’t [wear it]. Nahuhulog.

It was hard for her to wear it, so we decided na kung saan siya mas komportable. Mabigat na rin kasi ‘yung wings niya in the first place.

We’re so sad na hindi nasuot but still, Rabiya was able to give us a powerful performance.

Umaabot na pala ng 21 kilos ang pakpak ng national costume ni Rabiya.

Sa kabila nito, maayos pa rin naman niyang nairampa ang nasabing kasuotan.

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizens ang national costume ni Rabiya.

Narito ang ilan sa kanilang mga sinasabi.

“Sorry, but I’d rather not have my beloved country’s flag being represented like a fashion show’s iconic identity. It seems like Victoria’s Secret was represented more than PH.. bad taste. MY OPINION.”

“Instead of supporting her, you keep on bashing her. I don’t with y’all, Rabiya’s trying her best and doing what she can to bring home the crown pero Ang dami niyo pading sinasabi. Be at least sensitive kasi sobra nang napepressure Yung tao.”

“Akala ko ba backed-up siya nang best couturiers and designers of the country, tapos “borrowed” design ang ni-rampa?!”

“With or without the sun, Rabiya still serves as the SUN in her natcos because she enlightened us, Filipinos, to reach our goal to be the next Miss Universe.”

“For me better tinanggal nalang three stars at sinuot head dress. But pretty parin. if di cya naglive di siguro natin malalaman may kulang pala”

“The sun is her beautiful face. That or sunset n sa Manila Bay”

“Hindi pa sinuot yung headdress para sandali lang ang pagrampa niya. Yung iba nagdala ng bahay, bundok, at higanteng itlog.”

“With or without the headpiece/headdress maganda parin. Pero mas mganda kung di na pinutol ang gown or dress. Good luck Mahal kong Pilipinas”

“Nhuhulog ang dahilan pero db dpat noon p nkaready,mgnda p rin nman kht wala un kya suporta lng I appreciate ntin n sa size ng ktwan nya kinaya nyang irampa kht nbibigatan sa suot”

“Imbis na eh motivate niyo bina bash niyo pa Sana kayo nalang nag compete dun”

Samantala, sa kanyang IG live pagkatapos ng national costume competition, umiiyak na nagpasalamat si Rabiya sa lahat ng kanyang tagasuporta.

Maraming maraming salamat talaga sa lahat ng nagpapakita ng suporta at pagmamahal sa akin.

Mukhang nakarating na rin sa kanya ang pagkadismaya ng ilang kababayan kung kaya’t humingi na rin siya ng paumanhin.

I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin, but I know na I did my best.

Magaganap ang finals night ng Miss Universe 2020 ngayong May 16 (May 17 sa Pilipinas).

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!