Rabiya Mateo, aksidenteng nahulog sa swimming pool habang nasa Miss Universe shoot

Idinaan na lang sa tawa ng ating pambato sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ang aksidenteng pagkahulog niya sa swimming pool habang nasa photoshoot para sa prestihiyosong beauty pageant.

Base sa maikling video na ipinost sa Instagram ng training camp ni Rabiya na Aces & Queens, kasama ni Rabiya ang ilan pang Miss Universe candidates sa isang shoot sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida.

Sa nasabing video, suot pa niya ang nabasang OOTD na kulay pink habang nagpapaliwanang sa nangyari.

A lot of things happened. First of all, I accidentally fell in the pool so I got half of my outfit wet. And then I almost lost my diamonds.

Maliban sa pagkabasa, wala namang ibang nangyaring masama sa ating kandidata.

I just want to let you know that the diamonds are safe. You have nothing to worry about. I just want to say thank you to Drake of Luna for letting me borrow his diamonds.

Isa si Rabiya sa maituturing na early favorites sa kompetisyon.

Palagi siyang laman ng social media hindi lamang dahil sa mga Pinoy pageant fans kundi dahil din sa mga tagahangang ibang lahi.

 

Sa mga nakaraang interview, ipinangako ni Rabiya na gagawin ang lahat upang maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.

Matatandaang ang pinakahuling Pilipina na nakakuha ng korona ay si Catriona Gray noong 2018. Sinundan nito sina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973, at Gloria Diaz noong 1969.

PHOTO: Instagram | Aces and Queens

Si Rabiya ang unang kandidata na ipinadala ng Miss Universe Philippines na pinamumunuan ni Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup.

Sa mga nakalipas na taon kasi ay hawak pa ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang local franchise ng Miss Universe.

PHOTO: Instagram | Aces and Queens

Mapapanood ang 69th Miss Universe competition na gaganapin sa Florida ngayong May 16 (May 17 sa Pilipinas).

Live itong ieere sa A2Z Channel 11.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: