‘BidaMan’ finalist Jervy Delos Reyes, pinasok ang pagbebenta ng private videos sa Twitter

Usap-usapan ngayon ang pagsabak ng BidaMan finalist na si Jervy Delos Reyes sa pagbebenta ng adult content sa Twitter.

Sa isang interview sa kanya ni Ogie Diaz, ipinaliwanag niya ang dahilan niya sa pagpasok sa pagiging online sex worker.

Siguro po, para sa akin, feeling ko, nagawa ko dahil sa pinagdadaanan ko po talaga.

Ngayon po kasi, I’m living alone po. Independently po. Ahhh, mas pinili ko po kasing lumayo sa family ko ngayon.

Ikinuwento rin niya ang pinagdaraanan niyang depresyon.

Kasi, since yun nga po, parang… yun nga po, may depression nga po ako.

So, parang… gusto kong matuto sa sarili ko. Kasi, sa totoo lang po, umaasa po ako palagi sa mama ko dati.

Ibinhagi rin niya ang kagustuhan niyang maging independent.

Sa pera, financially, sa pagkain. Para sa akin po, ano na ako, e, 22 years old na ako, e.

So, parang yun na po ang naging fuel ko para magawa yung bagay talaga.

Ang pagbebeta raw ng private videos ang naging coping mechanism niya para mapaglabanan ang depresyon.

Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment. Sobrang natatakot po ako sa sasabihin ng ibang tao. Sobrang natatakot po ako sa sarili ko.

Parang… sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na ‘yon, nagagamit ko na siya as strength.

Nakakahugot rin daw siya ng lakas sa ginagawa niya ngayon.

Kasi, parang nate-train ko po yung sarili ko sa sobrang dami po ng namba-bash sa akin ngayon, as in andaming masasakit na salita.

Pero ngayon po, parang… nama-manage ko. Nakokontrol ko yung emotions ko ngayon, na hindi dapat magpaapekto dahil mas kilala mo ang sarili mo. Iyon po.

Nang tanungin siya tungkol sa naging reaksiyon ng mga taga-It’s Showtime sa ginawa niya, sinabi niyang wala naman daw sinabi ang mga ito.

Ang mga magulang daw niya ang pinakaunang nag-react sa pinasok niya.

Nag-usap po kami sa personal, especially po yung mama ko. Nag-usap po kami sa personal.

Noong una po, medyo hindi po maganda yung napag-usapan namin pero… noong tumagal-tagal po, mas naintindihan na po namin yung isa’t isa.

Pero ang prinomise ko lang po sa kanila, titigil ako.

Ibinahagi rin niya sa nasabing interview na mayroon nang 302 subscribers ang kanyang private Twitter account.

Ang bawat subscriber ay nagbabayad ng PHP1,500 para sa isang buwan ng adult content ni Jervy.

Mahigit PHP450,000 pesos na ang kinita niya sa loob lamang ng isang linggo.

Gaya ng ipinangako niya sa kanyang mga magulang, isang buwan lamang daw niya gagawin ito at titigil na rin sa ganitong gawain.

Dating napapanood sa It’s Showtime si Jervy kasama ang ilan pang produkto ng BidaMan na isang segment sa nasabing ABS-CBN noontime show.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: