Sa bagong isinusulong na batas, bawat Pilipino ay inaasahang makakatanggap ng PHP2,000 ayuda.
Lahat ng Pilipino, anuman ang estado sa buhay o edad, ay isinusulong na makatanggap ng nasabing ayuda.
Ito ay sa ilalim ng P405.6 billion na Bayanihan 3 bill.
Para sa 108 milyong Pilipino, mayroon itong budget na PHP216 billion at ito ay nahahati sa dalawang bigayan.
Ang mungkahing ito ay magsisilbing pang-apat na ayuda program ng gobyerno simula nang magkaroon n glockdown sa bansa noong isang taon.
Layunin umano nito na makapagbigay ng pantay-pantay na tulong pinansiyal sa lahat ng Pilipino, anuman ang antas sa lipunan.
Matatandaang sa mga naunang ayuda ay hindi isinama ang middle class sa mga nakatanggap ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Rep. Sharon Garin, isinusulong ito dahil lahat naman tayo ay apektado ng pandemya anuman ang edad at katayuan ng kita at kabuhayan.
Ayon naman kay Rep. Stella Quimbo, maaaring i-waive ng mga mayayaman ang ayuda nila kung nanaisin. Inihalintulad niya ito sa isang community pantry kung saan kukuha ka lamang ayon sa iyong pangangailangan.
Ang ayudang matitira ay dadalhin umano sa mga susunod pang programa ng ayuda.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa publiko ang nasabing balita.
Narito ang ilan sa mga sinasabi nila.
“sana lahat ndi porket nagtatrabaho sa pribadong kompanya eh ndi na nangangailangan…tax payer din kami magkaroon man kami kahit konti sa tax na binabayad namin.”
“Naubos na ang pera ng pilipinas sa kakabigay ng ayuda kuno! Hindi naman lahat nakakatanggap! TAMA NA PO! Magtrabaho nalang po tayo nang maayos at sundin lahat ng protocol batay sa pagsugpo kuno o pag-iwas sa pagpapalaganap ng virus.”
“Gumagalaw na ang mga buwaya,malapit na eleksyon e.”
“Ang problema s ayuda yung mga nasa BARANGAY, puro mga kamaganak at kakilala lang nila ang nilalagay nila s lista, paano nman yung iba n nwalan ng trabaho dhil s Pandemic, mula nung ngsimula ang pandemic hanggang ngaun eh wala silang ntatanggap n ayuda.”
“Naku kahit ilang AYUDA pa yang ipamigay ng GObYERNO ganun pa rin pinipili pa rin naman ang binibigyan dahil ang list ay nanggaling daw sa DSWD . .dapat jan wla nang listahan pa dapat lahat ng madaanang bahay bigyan ng AYUDA na yan dahil lahat nman ee apektado pero sana unahin ang mga nasa POVERTY AREA!!!”
“ung dating ayuda dipa nila naibibigay sa iba meron n nman tpos dina nman ibibigY san nPuntA”
“Bkit sila may ayuda bakit kmi umpisa nag lockdown ni isang ayuda wla po kmi nakuha”
“Sana lahat mabigyan,hndi yong pi2liin lang,halos lahat naman apekto s pandemic.pag dating s bigayan ng ayuda,pili po bi2gyan.”
“Marami pong kurap ng barangay dito. Dapat chinecheck ang mga barangay eh”
“Bakit ba lhat nabibigyan,hinde nman EH,parepareho lng nmn apektado,maraming nawalan ng trabaho malimit sila pa yong hinde Nkatangap..”
“Yung nakaraan na ayuda maski piso wala ako natanggap”
“ayan na nmn ang pangako..ssbhing bbgyan.lahat ng naapektuhan..sasabhin na nmn ang pwdng makatanggap un lng nakakuha nmn nung dati..”
Ano ang masasabi mo tungkol dito?
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily