Cast reveal ng Philippine adaptation ng Doctor Foster, umani ng iba’t ibang reaksiyon

Trending topic sa social media ang ‘cast reveal’ ng Philippine adaptation ng Doctor Foster na ginawa ngayong hapon.

Ang Doctor Foster ang pinagbasehan ng hit Korean drama na “World of the Married.

“The Broken Marriage Vow” naman ang magiging titulo ng Pinoy version.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inianunsiyo ang partnership ng British content company na BBC Studios at ABS-CBN Entertainment para sa nasabing serye.

Simula noon ay lumutang na ang samu’t saring espekulasyon kung sino-sino ang mga magbibida sa Pinoy remake na ito.

Top choice ng mga netizens ang premyadong aktres na si Judy Ann Santos na gumanap bilang bidang babae.

Sa katunayan ay ilang beses din naging trending topic sa Twitter ang pangungumbinsi ng mga fans na kuhaning bida si Judy Ann.

Napabalita na rin na tinanggihan umano ni Judy Ann ang alok na magbida sa teleserye dahil ayaw pa muna nitong tumanggap ng teleserye at mag-lock in taping.

Lumutang din sa mga choices ng netizens sina Angel Aquino, Sharon Cuneta, Sunshine Dizon, Julia Barretto, Lovi Poe, at marami pang iba.

Matapos ang ilang linggong palisipan kung sino-sino ang bibida sa teleseryeng ito, kanina nga ay nagkaroon na ng ‘cast reveal’ ang pinakaaabangang palabas.

Ang apat na napiling magbida sa teleserye ay sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla.

Agad itong umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens lalo na sa mga nakasubaysay sa Korean adaptation ng serye na ipinalabas din sa ABS-CBN noong nakaraang taon.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa Facebook.

“Plakak!!!! Bongga ng Casting Bagay Talaga!! Omo๐Ÿ˜ JODI Vs. SUE na this!!!”

“More roles to come. Ms. jodi you deserve it.”

“Bagay kay Jodi yung role, para kasi siyang si Vilma Santos umarte”

“Basic , kung ayaw niyo sa mga Bidang gaganap edi wag kayo manood at wag niyo panoorin , jusko dami niyo kuda”

“Bagay na bagay๐Ÿ‘Œ๐Ÿ˜ madadala niya ng may hustisya ang role excited here๐Ÿ™‹”

“Deserve mu yn miss jods sobrang galing mu kz..,MY SILENT SUPERSTAR”

“Deserve naman ni jodi! Top choice si judy ann and for.sure sya din ang choice ng abscbn.. kaso anong magagawa kung di tinanggap ang offer.. at yung mga umay na eh opinyon nyo po yan.. may choice din naman kayo na wag panoorin kung ayaw nyo yung mga gaganap..”

“Nice Casting๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘Magaling nman kc talaga si Ms. Jodi Sta. Maria Im sure magagampanan nya ng maganda ang role๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜Cant wait๐Ÿ˜Œ๐Ÿ˜”

“Wow deserve ni JODI ANG ROLE nayan napaka galing na ACTRESS this time KAKAAWAN NATIN SYA NG HUSTO”

“yung mga bet niyo ayaw tanggapin ang offer haha dun kayo magreklamo haha”

Kung may mga natuwa sa announcement, may ilan din namang nadismaya.

“Parang paulit ulit na si Jodi. Ganda sana kung Juday. May makita man lng bago sa TV”

“Paulit ulit nlng? Wla n ba iba artista?๐Ÿ™„๐Ÿ™„๐Ÿ™ƒ”

“Umay na jodi. Maraming mas deserving sa role”

“Sana bigyan ng chance yung iba”

“MAGANDA TALAGA SI JODI for this role pero bago lang kasi siya lumabas eh,give chance naman sana sa iba.Yun lang opinyun lang”

“Wala d papatok yn nakakaumay n xa at d ny bgsy ung role mas bgay yn ke sunshine dizon”

Maging sa Twitter ay naging sentro ng diskusyon ang nangyaring ‘cast reveal.’

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: