Sa isang Facebook post idinaan ng kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte na si Arnel Ignacio ang kanyang saloobin sa nangyari sa community pantry na itinayo ng aktres na si Angel Locsin sa Holy Spirit, Quezon City.
Sa nasabing post, inilarawan niyang “mapagpanggap na kabaitan ng isang nagkukunwaring anghel” ang nasabing community pantry.
Narito ang kabuuan ng post (published as is).
“may namatay ng isang senior citizen dito
at sigurado.marami pang magkakahawahan
birthday e.
nilansi na naman natin ang mamayan sa mapagpanggap na kabaitan ng isang nagkukunwaring anghel
dito na hohostage ang position ng gobyerno. yung kapitan kapag hindi pinayagan, yare sa socmed,ang mayor ganun din at buong gobyerno na magsasabing mali ito.
sigurado naman me madadale rito sa hawahan ng covid .
at hindi naman pananagutan yan ng bumuo nito na hindi totoong inisip ang buelta nito sa covis crisis
mas madalas sa hindi , government ay dehado sa ganitong laban. ang kalaban e kayang pasukin ang damdamin ng kanyang kausap papunta sa kanyang isipan. so kahit na mali ito ang iisipin niya ay tama.
i pray that government realizes the immense power of mass communication,learn it then use it well against the enemies who have mastered it.
ang mensahe parang pagkain
nasa tamang paghahain ,
sakto sa oras ng gutom at nilalapag nang umuusok usok pa ang ulam at kanin
dinadagdagan pa ng patis at mapulang sili at calamansi
ang pagkain pinatitikim at pinalalasap ng naghahain
hindi pinapaliwanag kung bakit mabuti at masarap
at sa nagbuo nito, wag tayong maglokohan na pagtulong angbgusto niyo
pati kahirapan ng tao pinagsamantalahan ninyo .”
Matatandaang hindi nakontrol ang pagdagsa at pagkakagulo ng mga tao na pumila para makakuha ng ayuda sa community pantry ng aktres.
Isang senior citizen ang inatake sa puso at namatay habang nakapila para sa nasabing ayuda.
Sa isang Facebook Live video, ibinulalas din niya ang kanyang saloobin tungkol sa nangyaring insidente.
Sa kanyang video, binatikos ni Arnel ang aniya’y kawalan ng common sense ng mga namahal ng nasabing community pantry.
“Eh p*tang**a, ikaw, iikot ka diyan, mamimigay ka, ano ka? Alam na alam naman natin magkakagulo yan.
Huwag na tayong mag-eklatan dito. Magtarantaduhan. P*tang**a naman eh. Diyos ko naman.
Nakakapang-gigil yung ganun, eh. Hindi natin alam yun? sa totoo, hindi natin alam?”
Samantala, humingi na ng paumanhin si Angel sa nangyaring insidente.
Inako rin niya ang pagkakamali at ang responsibilidad sa nangyari.
Ang nangyari po ay aking pagkakamali… I am very very sorry.
Samantala, ang mga anak naman ng pumanaw na senior citizen ay nagpasalamat sa naging tulong ng aktres.
Masakit pero wala naman may gusto na may ganito, hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto.
Ang pamunuan naman ng Barangay Holy Spirit ay pinag-iisipan na ang susunod na hakbang hinggil sa nangyari.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily