Mystica to Angel Locsin: “Wala kang utak. Wala ka nun.”

Binatikos ng singer-actress na si Mystica ang actress-philanthropist na si Angel Locsin kaugnay ng nangyaring insidente sa community pantry nito sa Holy Spirit, Quezon City.

Matatandaang nagtayo ng community pantry si Angel bilang selebrasyon sa 36th birthday nito upang makatulong sa mga apektado ng pandemya sa lugar.

PHOTO: ABS-CBN

Dinagsa ito ng mga tao at hindi napigilan ang pagkakagulo sa pila.

Isang senior citizen ang inatake sa puso at namatay habang nakapila at umaasang makakakuha ng ayuda.

Humingi na ng paumanhin si Angel at inako ang pagkakamali at responsibilidad sa nangyari.

Sa interview naman sa mga anak ng pumanaw na senior citizen ay nagpasalamat ang mga ito sa naging tulong ni Angel.

Wala ring sinisisi ang mga ito sa nangyari.

Sa isang video, ibinulalas ni Mystica ang kanyang saloobin sa nangyari sa nasabing community pantry.

Ang kapalit ng gulay, buhay. Kung di ba naman kagag*han yun. I am not against the others na gumagawa ng ganun. Pero ito, totally different story. May nagbuwis ng buhay eh. May tao na talagang nag-suffer.

Para sa kanya, pagpapasikat lamang ang ginawa ni Angel.

Ang ginawa mo lang is magpasikat. Tumawag ka pa ng media tapos caught in the act ka pa. Nakita sa Facebook at YouTube na nag-aabot ka sa press people. There you go, di ba publicity? My Goodness! Wag nyo sabihin na mas magaling pa kayo sa gimik. Ako, sumikat ako kasi pinaandar ko ang pera ko noon at isa ako sa pinakakontrobersyal noon. And I know kung paano ang lakad ng showbiz. Pera lang yan, instant sikat ka. Kaya nga ako sumikat agad, di ba?

Ang tinutukoy niya ay ang nakuhanan sa video na pag-aabot umano ng pera ni Angel sa isang tao na nakasuot ng ID ng GMA-7.

Nilinaw na ng GMA Network na hindi empleyado ng GMA News and Current Affairs ang nasabing lalaki.

Ito ay dating make-up artist ni Angel noong artista pa ng GMA-7 ang aktres.

PHOTO: GMA News

I know your hidden agenda. I’m talking because I’m expert here. Ako ang number one dyan.

 

It will be exposed, ang mga kagag*han, katarantaduhan, at kasinungalingan at pagbabalat-kayo nyo. At tama nga naman dahil wala kang emosyon kung mamamatay mga tao doon dahil sa pagpapasikat mo. Inisip mo ba na baka si lolo, si lola, mamamatay kakapila dyan? Kasagsagan ng tanghali, kasagsagan ng init ng panahon. Kasagsagan pa ng C0VlD.

Binatikos din ni Mystica ang pag-iyak ni Angel sa ilang TV interviews.

Paiyak-iyak ka pa at sorry kunwari. P*ny*ta ka! Sana inisip mo yung tao. Wala kang utak. Wala ka nun. Akala ko pa naman may utak ka.

At ang pinakamatindi sa mga naging pahayag ni Mystica ay ang pagkukumpara niya kay Angel kay Satanas.

Ang Diyos kaya niya i-provide lahat pero si Satanas nagpapanggap na kaya niya gawin lahat, kaya niya tulungan lahat at isa ka na dun! Para kang si Satanas, nagbabalat-kayo!

Panoorin ang buong video sa ibaba o i-click ang link na ito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

One thought on “Mystica to Angel Locsin: “Wala kang utak. Wala ka nun.”

  1. Putang ina ka mystica, tumulong ka na lang at huwag kang maging iti ng manok ang labas ng bibig mo.. buti pa gawin mo rin tumulong.. hindi yong puna ka ng puna sa mali ng tao.. pati ikaw ang dami mong mali.. angel mabuhay ka at kaya moyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: