Kinahabagan ng mga netizens ang isang lalaki sa Bukidnon na bigong makakuha ng PHP1,000 na ayuda pagkatapos maulanan sa pila.
Ini-upload ni Peter Jun A. Madjus sa Facebook ang larawan ng lalaki na makikitang nakapila para makakuha ng ayuda.
Wala itong dalang payong kung kaya naman nabasa ito ng ulan.
Naawa si Peter kung kaya’t nanawagan siya sa mga nakakakilala sa lalaki.
Nais niyang gumawa ng paraan para matulungan ang lalaki sa larawan.
May mga netizens naman na agad nag-comment sa post at sinabing nakita nila ang lalaki na nasa may terminal ng Malaybalay.
Wala pa raw itong balak umuwi at magpapalipas na lamang ng gabi sa terminal hanggang sa makakuha na ng ayuda.
Maliban kay Peter na gustong tulungan ang lalaki, may nagmagandang-loob din na puntahan ang lalaki sa terminal para matulungan itong magkaroon ng maayos na tulugan sa magdamag.
May nagdala sa kanya sa isang malapit na lodge upang doon muna magpalipas ng gabi.
Dahil sa nasabing Facebook post, dumagsa ang iba pang netizens na nais magpaabot ng tulong sa lalaki.
Marami ang nagpadala ng kanilang tulong sa pamamagitan ni Peter.
Sa isang Facebook post, masaya niyang ibinalita ang pagdagsa ng tulong pinansiyal para sa lalaki.
Umabot ng mahigit PHP30,000 ang natanggap niyang tulong mula sa mga netizens.
Kinabukasan ay umabot pa ito ng kabuuang PHP55,000.
Sa isang Facebook post, nagpasalamat si Peter sa lahat ng may mabubuting kalooban ng nagpahatid ng tulong sa lalaki.
Goodevening everyone, giving you visibility on the total amount collected for Tatay.
Total amount is 55,417.85 pesos in cash. Attached are the receipts and expenses below for your reference. We will give the remaining amount of 28k sa atm and 4k plus sa gcash to tatay tomorrow as naay limit ang atm widrawal.
On behalf of tatay we would like to thank everyone for your support and love.
Ang ginagmay nga tabang nato dako na kaau para kay tatay. Imagine nilinya sya para sa hinabang pero krun ang hinabang ang nilinya sa iyaha.
Thank you also to Mabel Delavin, Mel Lot and Mark Lester Lumigoy sa pag uban jud bisan layo pa ila ulian, to maam Vieve Jene og husband sa pagkuha katatay sa terminal og pagpatulog sa MAILAS LODGING HOUSE. Og sa tanan nag hatag tru gcash, deposit to bank account and sa pagpadala sa Palawan DAGHAN KAAYONG SALAMAT.
May God bless us all and our kind hearts. 🙂
Agad niyang dinala ang lalaki sa isang grocery store para makapamili ng mga kailangan nito.
Pagkatapos nito, inihatid niya ang lalaki sa bahay nito sa Valencia.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily