Vice Ganda, idedemanda ang social media personalities na nanira sa kanila ni Ion Perez?

I will talk to my lawyer.

Ito raw ang sinabi ni Vice Ganda kay Awra Briguela kaugnay ng kontrobersiyang kaugnay ng Tiktok video ng magkaibigang Buknoy Glamurrr at Gabo Adeva.

Sa nasabing Tiktok video, tila pinalabas ni Buknoy na may namagitan kina Awra at sa boyfriend ni Vice na si Ion Perez.

Sinabi pa ni Buknoy na sa dressing room ng ABS-CBN noontime show na ‘It’s Showtime’ naganap ang milagro na naulit pa nang ilang beses.

Maliban dito, sinabi rin nito na pineperahan lamang ni Ion si Vice at hindi totoo ang pagmamahal nito sa TV host.

Kaugnay nito, na-screenrecord ng isang netizen ang pahayag ni Awra kaugnay ng nasabing issue.

Maririnig sa pahayag ni Awra na nakausap na niya si Vice at sinabi na nitong kakausapin nito ang kanyang abogado tungkol sa issue.

Sabi pa raw ni Vice sa kanya:

Relax ka lang diyan. Chill ka lang.

Ipinagdiinan pa ni Awra na iparamdam na lang ang love at support sa isa’t isa at tigilan na muna ang pambabatikos.

Pakinggan dito ang nasabing pahayag.

Samantala, naglabas na ng official statement ngayong hapon ang Star Image Artist Management (SIAM) na may hawak kina Buknoy at Gabo.

Nagdesisyon an gtalent agency na patawan ng one-month suspension without pay ang dalwang talents nila.

Bukod dito, pinagbabayad pa ang mga ito ng one hundred thousand pesos (PHP100,000) bawat isa bilang parusa.

Narito ang buong pahayag.

This is to inform the public that Star Image Artist Management will not tolerate the irresponsible actions of Gabriel “Gabo” Adeva and Andrew Luis Lapid a.k.a. “Buknoy Glamurrr”. With the recent incident involving Ms. Vice Ganda, Mr. Ion Perez and Ms. Awra Briguela in a tiktok live video, the management decided to impose immediate disciplinary action and to suspend Gabo and Buknoy for 1 month without pay, and penalize them with a fine of One Hundred Thousand pesos each due to misconduct.

We sincerely apologize to the involved personalities and rest assured that we will do necessary disciplinary actions as stated beforehand.

Iniharap na rin ng SIAM sa publiko ang dalawa upang mag-public apology kina Vice, Ion, at Awra.

Panoorin dito ang kanilang paghingi ng paumanhin.

Balikan dito ang kontrobersiyal na Tiktok video nina Buknoy at Gabo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: