Iniharap ng Star Image Artist Management (SIAM) sa publiko sa pamamagitan ng isang Facebook Live video ang kanilang talents na sina Buknoy Glamurrr at Gabo Adeva.
Ito ay ilang oras matapos silang maglabas ng official statement tungkol sa issue na kinasangkutan ng dalawa sa kanilang talents.
Sa pahayag na inilabas ng talent agency ngayong hapon, sinabi nila na hindi nila kukunsintihin ang dalawa sa kanilang ‘irresponsible action’.
This is to inform the public that Star Image Artist Management will not tolerate the irresponsible actions of Gabriel “Gabo” Adeva and Andrew Luis Lapid a.k.a. “Buknoy Glamurrr”.
Matatandaang naging trending topic sa social media kaninang umaga sina Buknoy at Gabo dahil sa isang Tiktok video kung saan pinagkatuwaan nilang dalawa si Awra Briguela.
Nadamay din sa kontrobersiya ang magkasintahang sina Ion Perez at Vice Ganda.
(Basahin ang kaugnay na ulat dito.)
Dahil dito, nagdesisyon ang SIAM na patawan ng ‘immediate disciplinary action’ ang dalawang talents sa loob ng isang buwan ‘without pay’ at pagmultahin ng isandaang libong piso ang bawat isa.
With the recent incident involving Ms. Vice Ganda, Mr. Ion Perez and Ms. Awra Briguela in a tiktok live video, the management decided to impose immediate disciplinary action and to suspend Gabo and Buknoy for 1 month without pay, and penalize them with a fine of One Hundred Thousand pesos each due to misconduct.
Humingi rin sila ng paumanhin at sinabing paninindigan ang pagdidisiplina sa kanilang talents.
We sincerely apologize to the involved personalities and rest assured that we will do necessary disciplinary actions as stated beforehand.
Ngayong hapon nga ay humarap sila sa publiko kasama ang mga owners at managers ng SIAM na sina David Cabauatan at Vince Apostol.
Ipinagdiinan ng mga ito na hindi nila kukunsintihin ang kamalian ng kanilang mga talents.
Unang nagsalita si Gabo at humingi ng paumanhin:
Gusto ko lang po humingi ng paumanhin kay Meme Vice. Sorry po kung nagkaroon kami ng ganoong conversation sa live. Gusto ko rin pong humingi ng sorry kay Awra sa mga nasabi ko na laos o bakit ka binitiwan ni Meme. Sorry po. Kay Mr. Ion Perez din po gusto ko rin po humingi ng tawad, nadamay po kayo sa issue na ‘to. Hindi ko na po ipagtatangol kami kasi sobrang linaw po na kami po yung nagkamali.
Humingi rin ng paumanhin si Buknoy:
Marami na po akong beses humingi ng paumanhin sa lahat ng tao. Pero this time, gusto kong humingi ng pasensiya sa mga taong naapektuhan. First of all, sa managers ko, sa taong kumupkop sa akin. Lola Baby, I’m sorry kung pati Ikaw nadadamay. And also kay Awra, ayaw ko na lang pahabain pa yung apology kasi hindi ko naman gusto ipilit pa yung sarili ko. Alam ko na marami akong nagawang mali. Kay Meme Vice, sa simula bata palang ako alam ng mga tao na nakapaligid sa akin noon, simula bata palang ako iniidolo ko na si Vice Ganda, gusto ko mag-sorry, Meme, sa mga nasabi ko doon sa live video na hindi naman intentionally na akala namin biro pero hindi.
Panoorin ang nasabing video dito.
Balikan dito ang kontrobersiyal na Tiktok video na pinagsimulan ng lahat.
@vicegandako paki turuan po ng leksyon si buknoy glamur😌nagpapanggap po siya na siya si awra. pic.twitter.com/CgIJ7m7wSY
— Pangie (@pngvcrlprz) April 17, 2021