Viral sa Facebook ang post ng isang food delivery service kung saan makikita ang larawan ng isang delivery rider nila na naiyak na lang matapos ma-snatch ng magnanakaw ang kanyang cellphone na ginagamit sa pagtatrabaho.
PASENSYA NA PO SA DELAY
Ito ang nakalagay sa post kasunod ang paliwanag sa nangyari.
Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
Naiyak na lamang daw ang rider dahil kasalukuyan pa lang niyang hinuhulugan sa Home Credit ang kanyang nanakaw na cellphone.
Napasama pa sa nanakaw ang kaunting ipon niya na nakasiksik sa cellphone case.
Dahil sa nawalang cellphone, hindi na raw niya alam ngayon kung paano pa siya makakapagtrabaho.
Pakiusap ng food delivery service:
Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.
Inulan ng komento mula sa netizens ang nasabing post.
Karamihan sa mga ito ay nagtatanong kung paano mako-contact ang delivery rider upang maabutan ng tulong.
May mga nag-alok na magtutuloy ng hulog sa Home Credit at magbibigay ng extra phone sa kanya.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
Yung mga nanghahablot na yan, hihinto lang yan kapag ginilit mo sa leeg ang mga putanginang dim*nyo na yan.
Shout out sa mga taong patapun ang buhay na walang inatupag kundi mang lamang nang kapwa, bakit di nyo kayang pumarihas nang laban, maghanap buhay nang maayos. Sa mga taong kawatan dapat sa inyo pinapatay lalagyan nang karatula, (wagtularan isa akong kawatan), pumarihas naman kayo maghanap buhay nang marangal,. Jaytv katagumpay lasian salamat dahil may taong kagaya mo handang tumolung nang walang kapalit, god 🙏🙏 bless sa yo sir.
Paki pm ako bro. Bigyan kitang phone. May konting ipon naman ako. Wag kang umiyak. Part yan ng buhay ganun talaga. Minsan hindi lang tayo swerte. Pero yung ngyari sayo part yan ng success. Be optimistic lang always. At lagi mong piliin maging mabuting tao. Sa kabila ng mga negatibong pagsubok sa buhay mo.
Ung humablot ng cp ng rider na ito..abangan mo lang ang araw na katatakutan mo at maaalala mo ung mga kasamaan mong ginawa sa kapwa mo
Hindi nila alam ang pinagdadaanan ng isang tao. Lalo na pagdelivery Ang sakit kaya non dahil cp ang mahalaga ngayon dahil doon tayo kumukuha ng Location sa ibat ibang lugar
Hello po! Ako na po mag tuloy sa home credit kuya ng hulog mo. Pa pm naman sakin ng details pls. Salamat
paki-indicate po ang gcash number ni kuya and necessary proofs para matulungan po. salamat
Hi, baka po pwede niyo ako matulungan pano ko siya makocontact, i have my extra phone na pwede ko po ibigay sa kanya since hindi ko na rin po talaga nagagamit. Sana may makapagturo po. Thank you!
Nakakataba ng puso likas pala na matulungin ang mga Pilipino sa nangangailangan. Okay na po siya may bago ng phone
Kng my taong gumagawa ng masama ms marami prin ang gumagawa ng kabutihan kailan mn d mananalo ang ksamaan nila GOD IS GOOD
Sa comment section din mababasa ang comment ng vlogger na si Jaytv Katagumpay Lasian.
Base sa naunang comment nito, hiningi ng vlogger ang full name at address ng rider upang mapadalhan ng tulong.
TAPUSIN NA NATIN TO! AYOKO SA LAHAT NAGTTRABAHO NG TAPAT GAGANITUHIN. BIGAY MO SAKIN FULL NAME AT ADDRESS MO. PAPADALHAN KITA NG BAGONG CELLPHONE TOL! PARA MAG PATULOY KA! NGAYON NA NGAYON DIN!
Sa larawan na ito sa comment section, nakalagay ang caption na:
Okey, hindi kana iiyak brader. Magpatuloy ka! Pawer sayo!