Vice Ganda, nagkomento sa isyu ng ‘iringan’ nila ni Marian Rivera

Hindi pinalampas ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang isang news report sa Frontline sa Umaga sa TV5.

Ayon sa nasabing report ni MJ Marfori, nagkaayos na sina Vice at ang Kapuso actress na si Marian Rivera matapos umano silang magkaroon ng bangayan noong nakaraang taon.

Sa kaniyang Twitter account, inilabas ng TV host ang kaniyang pagtataka kung saan nanggaling ang nasabing balita na nagkaroon sila ng iringan ng Kapuso star dahil umano sa pang-ookray niya sa grammar nito.

Tinawag din niya ang news report ‘pauso,’ ‘super yuck,’ at ‘mema.’

RELATED STORIES:

Agad namang nagkomento sa kaniyang tweet ang TV5 newscaster na si Gretchen Ho.

Sinabi nito kay Vice na paiimbestigahan nila ang nasabing report.

Agad ding binura ng TV5 ang kanilang tweet tungkol sa nasabing balita.

Maging ang nag-ulat ng balita ay nagkomento na rin sa nasabing isyu at sinabing hindi niya story ang nasabing report.

Nag-reply dito si Vice na tila hindi nagustuhan ang paggamit ng reporter ng emoji.

Agad namang humingi ng paumanhin ang nasabing reporter at sinabing hindi nito intensiyon ang maka-offend.

Muli namang sinagot ito ni Vice ng mga laughing emojis.

As of this writing, burado na rin sa YouTube account ng TV5 ang nasabing news report.

Wala pa ring pahayag na nagmumula sa Kapatid network tungko dito.

Panoorin ang nasabing report dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: