Kris Aquino, posibleng makalbo dahil sa pagpapagamot: “Dedma muna sa vanity.”

Matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media, muling nag-post sa kaniyang Instagram account ang TV host-actress na si Kris Aquino.

Ito ay upang muling magbigay ng updates tungkol sa pinagdaraan niyang pagpapagamot ngayon sa Amerika.

RELATED STORIES:

Sinabi niyang ayaw niya munang mag-post tungkol sa kaniyang kalagayan hangga’t hindi naiging malinaw sa kaniya ang lahat.

“i didn’t want to post until i had clarity about my health situation.

“Maraming salamat po because i know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that i get better. 😇

“Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.”

Aminado rin siya na may ilang pagkakataon na ginusto na niyang sumuko.

“There have been times i wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability(since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…”

Ang mga anak na sina Joshua at Bimby raw ang pinaghuhugtuan niya ng lakas, pati na rin ang mga taong patuloy na nagdarasal para sa kaniya.

“BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up.

“i am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy.”

Ikinuwento rin niya ang posibilidad ng pagkalagas ng kaniyang buhok dahil sa pagpapagamot.

“i was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair.

“Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”

Nilinaw rin niya ang sinabi ng kaniyang ate na si Ballsy Aquino-Cruz tungkol sa pagkakaroon niya ng 4 na autoimmune diseases.

“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the 🇵🇭 i was already diagnosed with 3 autoimmune conditions.

It was while here in Houston that i was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: