Coco Martin, nagsalita na tungkol sa ‘part 2’ ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Isang linggo pa lamang mula nang magwakas ang naging longest-running Philippine series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ngunit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng netizens ang susunod na proyekto ng bida ng nasabing teleserye na si Coco Martin.

RELATED STORIES:

Lumutang rin ang usap-usapan na posibleng magkaroon ng part 2 ang nasabing serye dahil na rin tila bitin ang naging ending nito.

Puna ng ilang netizens, tila may karugtong pa ang love story ng karakter nina Cardo Dalisay at Mara na ginampanan ni Julia Montes.

Sa isang interview, nilinaw ni Coco na wala pa silang napag-uusapan ng mga ABS-CBN bosses.

Busy pa raw ang kaniyang grupo sa “Walang Hanggang Pasasalamat” tour para sa nagwakas na serye.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod na proyekto na gagawin niya.

“Honestly, hindi ko pa alam.

“Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh or pag-usapan o pag-meetingan.

“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano yung next.”

Para sa kaniya, ang ABS-CBN umano ang magdedesisyon.

“Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin yun.

Pero, para sa akin, management ang magdedesisyon.

“Kasi, para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood.” 

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: