Julia Montes, buntis nga ba kaya nawala agad sa ‘Ang Probinsyano’?

Dinagsa ng mga komento ng netizens ang latest Instagram post ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Ang nasabing post ay isang endorsement post ng aktres sa isang brand ng shampoo.

Ngunit karamihan ng mga komento ay walang kinalaman sa nasabing produkto.

Ang ilan sa mga netizens ay nagtatanong sa anila’y biglaang pagkawala ng karakter ng aktres sa ABS-CBN primetime drama na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang ilan naman ay pumuna sa umano’y tila pagdagdag ng timbang ng aktres.

Pinagsuspetsahan tuloy ng ilan na baka nagdadalantao ito.

Narito ang ilan sa mga nasabing komento.

Maliban dito, may ilan ding pumuna sa suot niyang singsing sa nasabing larawan.

Tanong nila, ito raw ba ay isang engagement ring mula sa matagal nang napapabalitang boyfriend na si Coco Martin.

Wala namang sinagot na komento ang aktres.

Nananatiling tikom ang bibig nila ni Coco kahit na matagal nang natsitsimis na mayroon na raw silang anak na hindi lang nila inilalantad pa sa publiko.

Ikaw, anong masasabi mo dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: