Ogie Diaz, nag-react sa balita na hiwalay na sina Gerald Anderson at Julia Barretto

Nag-react ang talent manager na si Ogie Diaz sa mga kumakalat na balitang hiwalay na umano ang magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa latest vlog niya sa kaniyang YouTube channel, isa ang nasabing isyu sa tinalakay.

RELATED STORIES:

May mga lumulutang kasing usap-usapan na hiwalay na umano ang magkasintahan.

Ayon sa tsismis, itinuturong dahilan ng hiwalayan ang leading lady ni Gerald sa bago nitong pelikula na si Kylie Padilla.

“Ang nakakaloka pa, ay Diyos ko, sari-sari at iisa lamang ang kwento ng ibang mga nagyu-YouTube din, ng ibang vloggers.

“Paulit-ulit, iisa lang ‘yung boses, iba-iba lang ang account na ginagamit para sabihin na ipinagpalit ni Gerald si Julia kay Kylie Padilla at umamin na daw si Kylie Padilla at Gerald Anderson na sila na.

“At ang nakakaloka nito, ay lumabas pa na nabuntis ni Gerald Anderson si Kylie Padilla.”

Dahil dito, pinaalalahan ni Ogie ang netizens na maging mas mapanuri sa mga napapanood nila.

“Alam niyo, sa totoo lang, hindi ko kayo sinasabing maniwala kayo do’n o hindi kayo maniwala, pero hindi naman talaga kapani-paniwala ‘yung gano’n na nilalabas nila.

“At wala silang ibang source kundi sila-sila lang nag-uusap. Wala silang nilalabas kung sino ang source nila.”

Nagbigay rin siya ng tip kung paano malalaman kung reliable ang mga napapanood na YouTube vlogs.

“Eto ah, bigyan ko kayo ng tip kung paniniwalaan niyo o hindi ang isang YouTube account na ang tina-topic ay showbiz industry.

“Pag naka-turn off ang comments. Ibig sabihin, ayaw nila na mako-call out sila.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: