Rita Gaviola a.k.a. Badjao Girl, naiyak sa mga natanggap na panlalait online

Hindi napigilan ni Rita Gaviola na maging emosyonal nang maglabas siya ng kaniyang saloobin sa mga natatanggap na bashing o panlalait sa social media.

Si Rita ay unang nakilala sa internet bilang si Badjao Girl.

RELATED STORIES:

Matatandaang nito lamang August 8 nang isiwalat ni Rita sa kaniyang Instagram account na isa na siyang ina sa edad na 19.

Ilang larawan ang ibinahagi niya kung saan kasama niya ang kaniyang mag-ama.

Sa August 12 episode ng GMA-7 noontime Show na Eat Bulaga! ay isa si Rita sa choices sa segment na Bawal Judgemental.

Dito ay ikinuwneto niya ang pinagdadaan mula nang ibunyag niya na isa na siyang ina sa murang edad.

Ayon sa kaniya, noong simula ay nahirapan siya kung paano i-handle ang kaniyang bashers lalo na’t dumating pa sa puntong nakakabasa siya ng mga negatibong komento sa social media.

Kasam na rin rito ang ilang masasakit na salita kung saan tinawag siyang ‘b*bo’ at ‘mal*ndi’.

“Siyempre, para sa part ko, sobrang sakit kasi hindi nila alam yung dinadanas ko.

“Parang ang dali sa kanilang manghusga ng tao na hindi nila kilala yung personality talaga.

“So, masakit, kasi dumarating yung time na maiisip mo na, sana hindi maranasan ng anak ko iyong nararanasan ko ngayon. Kasi sobrang hirap.”

Sa kabila ng lahat ng ito, nakiusap siya na huwag nang idamay ang kaniyang one-month old baby.

“Sabi ko, ako na lang, huwag na yung anak ko. Kahit i-bash niyo na ako nang i-bash, okay lang, tatanggapin ko.

“Huwag na yung baby ko, kasi yung baby ko wala siyang kasalanan dito.”

Pinasalamat din niya ang mga taong tanggap pa rin siya at handa pa rin siyang suportahan sa kabila ng lahat.

“Sila po yung dahilan kung bakit ako lumaban at lalung-lalo na yung baby ko.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: