Mga bagong larawan ni Rita Gaviola o ‘Badjao Girl’, hinangaan ng netizens

Pinagkaguluhan ng netizens ang ilang bagong larawan ni Rita Gaviola o mas kilala bilang ‘Badjao Girl.’

Sa kanyang Instagram account, nag-upload ng mga bagong larawan si Rita at nilagyan pa nito ng caption na “Soon sasali na tayo sa miss u 😽.”

Bagama’t hindi pa kumpirmado kung seryoso nga ba si Rita sa sinabi nito, ilang netizens na ang nagpahayag ng suporta sa kanya.

Marami rin ang nagpahayag ng paghanga sa taglay na ganda ng dalaga.

Lutang na lutang kasi ang ganda nito sa mga nasabing larawan.

Tila malayo na ang nararating ng dalaga mula sa simpleng buhay nito noong nag-viral ang ilang larawan niya sa social media noon.

Matatandaang ang mga nag-viral na larawan niya ang naging susi upang mas makilala siya ng publiko.

Naging daan din ito upang mapasali siya noon sa isang edisyon ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Naging abala na rin siya sa iba pang TV appearances at modeling stints.

Ikinatuwa ng kanyang mga tagasubaybay at tagasuporta ang pagbabago at kalagayan sa buhay ngayon ni Rita at ng kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen sa kanyang latest tranformation.

“Wow! Beauty queen material. Go, go, go, sali ka na sa beauty pageant.”

“Gandang Pinay. Lutang na lutang.”

“Ibang iba ka na ngayon. Mula sa simpleng namamalimos sa kalsada, napakaganda mo nang dalaga ngayon.”

“Nakakatuwa na ang laki na ang ipinagbago mo. Sana manatili kang humble sa buhay.”

“Grabe, halos di ko na makilala ah.”

“Sinuportahan ko to noon sa PBB. Ang ganda mo na lalo.”

“Dati naman na siyang maganda. Mas gumanda lang sa ngayon.”

“Yan ang natural na gandang Pinay. Mas na-enhance pa lalo ang ganda niya.”

“Go, girl. Abutin mo lang ang mga pangarap mo. Ang ganda mo talaga.”

“Imagine, napakasimple lang ng buhay mo dati. May awa talaga ang Diyos. Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap.”

“Ang ganda mo naman, girl! Go lang, para sa pangarap!”

“Sino nga naman ang mag-aakala na mas lulutang ng ganyan ang ganda mo ngayon.”

“Di nga ako nagkamaling maganda ka kahit sa viral photo mo pa lang noon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: