Planong pagsabak ni ‘Badjao Girl’ Rita Gaviola sa beauty pageant, umani ng iba’t ibang reaksiyon

“Why not hindi ako mag-try? Wala namang mawawala.” 

Ito ang naging pahayag ni Rita Gaviola na mas kilala bilang ang dating viral girl na si ‘Badjao Girl.’

Sa isang Instagram post ay ibinahagi niya ang planong pagsali sa Miss Universe Philippines.

Hindi man niya sinabi kung kailan, sinabi namn niyang ito ay mangyayari ‘soon.’

Sa isang interview sa GMA7 show na Unang Hirit, nagkuwneto si Rita tungkol sa matagal na niyang pangarap.

“Dati po pangarap ko magsuot ng gown, nakikita ko ‘yung mga iba sobrang ganda.

“Naiinggit ako. Tapos sabi ko, one day makakapagsuot din ako nito.

“Hindi man sa ngayon pero soon alam kong maaabot ko ‘yung pangarap ko.”

 “Nung una po syempre parang nag-aalangan pa kasi bata pa ako so parang malabong mangyari ito.

“Pero, naisip ko why not hindi ako mag-try, wala namang mawawala, kung natalo ka, at least sinubukan mo.

“Diyan po magsisimula, kailangan mong madapa bago manalo.

“Para sa akin, hindi man ako manalo o matalo, atleast ako natupad ko ‘yung dream ko, napasaya ko pa ‘yung ibang tao.” 

Ikinatuwa naman ng ilang netizens at tagahanga niya ang ibinahagi niyang plano sa hinaharap.

“Maganda ka naman. At natututunan naman ang lahat. Kaya go, go, go!”

“Dedma na lang sa bashers. Go lang sa pangarap.”

“Tama. Wala namang mawawala kaya keri lang.”

“Go! Support kita dyan, teh. Para sa pangarap!”

“That’s the spirit. Dedma na lang sa mga negativve. Kayan mo yan!”

“Tama yan. Focus ka lang sa pangarap mo, wala namang maitutulong yang mga bashers.”

“Yan ang tunay na gandang Pinay. Go lang”

“PBB days pa lang, gandang ganda na ko sa batang yan. Natural ang beauty.”

Bagama’t marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya, may ilan din namang mga negatibong komento.

“Dapat brainy ka rin, hindi ganda lang.”

“Tapos ano? Iiyak ka pag na-bully?”

“Sa PBB nga lang, di ka naman nanalo.”

“Di sapat na maganda ka lang, dapat may buga ka rin sa chukchakan.”

“Magpa-tutor ka muna ng English.”

“Oo, maganda naman siya. Kaso baka nganga naman pagdating sa Q&A.”

“Marami ka pang kakaining bigas, day!”

“Ano, pagandahan na lang? Wala naman ibubuga sa talakan!”

“Gumising ka nga. Hahahaha”

Si Rita ay unang nakilala nang mag-viral ang ilang larawan niya sa social media.

Dito siya unang binansagan bilang ‘Badjao Girl.’

Ito rin ang nagbigay daan para makapasok siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother kung saan nakasabayan niya sina Maymay Entrata, Edward Barber, at Kisses Delavin.

Simula noon ay naging abala na rin siya sa ilang TV shows at guest apperances.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: