‘Darna’ at iba pang Pinoy superheroes, pagsasama-samahin sa isang TV series?

Usap-usapan ng netizens ang umano’y posibleng pagsasama-sama ng ilang kilalang Pinoy superheroes sa isang TV series.

Ito ay matapos lumabas sa closing credits ABS-CBN series na Darna ang iba pang likha ng creator nito na si Mars Ravelo.

RELATED STORIES:

Kabilang dito sina Captain Barbell, Lastikman, Dyesebel, Flash Bomba, Varga, at iba pa.

Una nang nagkaroon sa ABS-CBN ng bersiyon ng Dyesebel (Anne Curtis), Lastikman (Vhong Navarro), Varga (Mariel Rodriguez), Tiny Tony (John Prats), at iba pa.

Nagkaroon tuloy ng ispekulasyon na maaari ngang gawan pa ng ABS-CBN ng series ang mga nasabing karakter lalo na’t sa kanila ipinagkatiwala ng angkan ni Ravelo ang rights para sa mga nasabing karakter.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol dito.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: