Nagbigay ng saloobin ang kolumnista at TV/radio personality na si Cristy Fermin tungkol sa pagkaka-reschedule ng concert ng komeyante at TV host na si Vice Ganda na gaganapin sa Dubai.
View this post on Instagram
Sa YouTube channel na Showbiz Now Na, napag-usapan nina Cristy, Romel Chika, at Morly Alinio ang nasabing concert ng It’s Showtime host.
Una na kasing napabalita ang pagkaka-reschedule ng concert ni Vice na sana ay gaganapin sa buwan ng Hulyo ngunit nalipat na sa Agosto.
May kinalaman umano sa pagkamatay ng hari ng Dubai ang nasabing postponement ng show.
Ngunit sa naging pahayag ni Cristy sa kaniyang YouTube vlog, tila iba ang totoong dahilan.
“Sabi niya (Vice), siyempre bilang bahagi ng lungkot, alangang magsaya tayo. Hindi ko ‘yun napanood (na in-anunsyo), pero mayroon akong source na napakatagal na panahong tumira sa Dubai, sabi niya, ‘bakit naman si Vice, ginagawa niyang mga tanga ang mga OFW at mga Pinoy sa Dubai?’
“Ang totoo pala, hindi naman totoo na ang mga shows doon ay kinansela at inire-schedule katulad ng kaniya.
Ibinahagi pa ng kolumnista na may mga foreign artists din na tuloy ang show doon gaya nina Pink Floyd at jason Derulo.
“Hindi po totoo na inire-schedule kasi alam naman po natin na ang kultura ng mga Muslim na kapag pumanaw sa araw na ito ay kailangan ding ilibing sa parehong araw at ang pagmo-mourn po ay tumatakbo lang ng isang linggo at puro dasal na ‘yun.
“Ginawa lang dahilan iyon ni Vice kasi po hindi po gumalaw ang ticket sales.”
View this post on Instagram
Nang tanungin naman si Cristy kung bakit tila mabagal ang bentahan ng tickets, sinabi nito na may kinalaman ito sa katatapos na halalan sa Pilipinas.
Matatandaang isa sa mga celebrity endosers ni Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagkapangulo si Vice Ganda.
At karamihan daw ng mga kababayan natin sa UAE ay sumuporta sa nanalong tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
“Kung may bumili man, hindi sapat para ituloy ang concert, alam mo kung bakit?
“BBM/Sara pala ang mga kababayan natin sa UAE!”
Ayon pa kay Cristy, sana raw ay hindi na lang nagsalita si Vice tungkol sa sinabi nitong dahilan ng pagkaka-reschedule ng concert.
”Kasi para gamitin mo ang pagkamatay ng isang hari at gamitin mo ‘yung mourning period hindi maganda ‘yun! Ano ba naman ‘yung aminin niya sa sarili niya na ayaw niyang ihayag sa publiko na hindi gumalaw ang ticket. Kawawa ang producer.
“Sana hindi na lang siya nagsalita sa Showtime na napanood ng ating mga kababayan sa Dubai at least malinis ‘yung kartada niya.”
Ano bang big deal if ma-resched yung date ng show? Kung yun ang dahilan na sinabi ni Vice kung bakit na-resched then so be it.
Ang hirap sa ating mga Pilipino, ang hilig magbigay ng malisya kaya hindi umuunlad dahil sa “CRAB MENTALITY”.
Imbis na magtulungan, mukha yatang mas masaya pa tayo na nakikitang lumulubog ang isang Pilipino.
Ikaw Cristy Fermin, ang tagal mo na sa Industriyang kinabibilangan mo pero yung paraan mo baka time to assess and check though.
So Ms. Cristy, in the first place sino ba ang nagresched? yung producer di ba! anong big deal dun eh kung mababa nga ang sale sasabihin ba ng producer yun ang tagal mo na sa ganyang business at kahit ganyan si Vice marami syang natutulungan like scholars kaya nga bless sya, ikaw ilan ang scholars mo ilan an ang tinutulungan mo kung meron manahimik ka na lang malamang yun ang sinabing rason ng producers controlado ba nya yun, pinromote lang ni Vice syempre yun lang tulong nya sa producer
Tama. It’s just a matter of how you will take the consequence. Kung na re sked so be it. Hindi Naman siguro dahil.sa politika Kasi we have our own political preferences..
Tama po,idinahilan pa yung pagsuporta ni vice kai VP Leni..tapos na nga yung eleksyon at nanalo na sila Hindi parin maka move on!
I think your source is wrong Manay Cristy the mourn is announce 40 days po… So still no show will be healed and hnd po Hari ng Dubai Hari po ng Abu Dhabi ang namatay at cxa po ang president ng United Arab Emirates.
Hayaan niu na, kaya nga showbiz e.
Kawawa ka naman Cristy Fermin, wala ka na talagang magawa sa buhay mo. Magbalita ka na lang ng iba. May pasource source pa, ikaw ba gumawa ka din ng research mo or kumapit ka na lamg sa source mo. OMG.. kaya ka walang nararating sa buhay (I mean marami ka na bang naipon at natulungan?) Pag namatay ka ba hindi aasa sa iba ang pamilya mo?
Political affiliation ang reason? Kalokohan! Excited ang mga Pinoys abroad, bbm man o Leni, before elections. Afterwards, balik na sa sariling buhay. E di dapat hindi na rin popular ang Donbelle diyan sa kanilang series. 🤷🏽♂️