Miss Universe PH Celeste Cortessi, retokada? Thai pageant fans, naglabas ng ‘ebidensiya’

Usap-usapan ngayon sa social media ang reigning Miss Universe Philippines na si Celeste Cortesi.

Ito ay matapos mag-post ng ‘glow-up’ photos niya ang Facebook page na Talkmissthailand.

RELATED STORIES:

Sa kanilang post, inilarawan nila ang umano’y amazing transformation ng Filipina-Italian beauty queen.

Kasama sa post ang ‘edited’ photo ni Celeste nang manalo ito bilang Miss Earth Philippines noong 2018.

“Amazing transformation of Miss Universe Philippines 2022, Silvia Celeste Cortesi by Philippines Clinic.”

Tila may bahid ng malisya ang nasabing post dahil sa paggamit nila ng salitang ‘clinic’ sa caption na tila patungkol sa pagpaparetoke o pagpapa-enhance umano ng kagandahan ng ating kinatawan sa Miss Universe ngayong taon.

Maliban dito, may isa pang malisyosong post ang nasabing Facebook page.

Ibinahagi nila ang larawan ni Celeste kasama ang TV host na si Willie Revillame.

Naging special guest co-host noon ni Willie si Celeste sa programang Wowowin.

Narito ang caption ng nasabing post (published as is).

“Hello Daddy My name is Celeste Cortesi Miss Universe Philippiness 2022 #Morning VS #Evening #MissingYouDaddy”

Samantala, tila nakarating na ito kay Celeste.

Sa isang post, hinikayat niya ang kaniyang mga supporters na huwag nang patulan pa ang mga ganitong ‘cyberbullying’.

“And again, people keep tagging me in edited photos of me, insults and threats. I have seen quite a lot just today and now before going to sleep.

“After the talk we had last week, I was hoping that this unnecessary cyberbullying would somehow stop or lessen.

“I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me, then simply use the hashtag #kindnesscampaign. Let’s not engage with any form of hate.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: