Pia Wurtzbach, hindi ‘nagpakabog’ sa Miss Universe Philippines 2022 coronation night

Tila naging isa sa highlights ng ginanap na coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 kagabi, April 30, ang pagsasama-sama ng mga previous winners ng Miss Universe.

Nagsilbing hosts sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mitinaere, at Miss Universe 2017 Demi Leigh-Tebow.

Isa naman sa mga judges ang reigning Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu, samantalang si Miss Universe 2018 Catriona Gray naman ay nagkaroon din ng isang special appearance.

Isa sa mga pinag-usapan ng mga netizens nang gabing iyon ay si Pia Wurtzbach. Ayon kasi sa kanila, tila hindi ito nagpadaig sa mga candidates at maging sa mga kasamahang hosts.

Agaw-pansin kasi ang mga isinuot niyang evening gowns na talaga namang nakapukaw ng atensiyon ng mga manonood.

Narito ang ilan sa mg komento ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: