Balitang pagwawakas ng ‘Ang Probinsyano’ sa susunod na buwan, fake news

Sa artikulo na lumabas ngayong gabi, March 3, sa Philippine Entertainment Portal (PEP), itinanggi ni ABS-CBN Corporate Communications head Kane Choa ang lumabas na balitang magwawakas na ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa susunod na buwan.

Ayon sa report ng PEP:

It is not true that FPJ’s Ang Probinsyano is set to end this April 2021.

Isang official announcement tungkol dito ang ilalabas ‘soon’.

Ngayong araw kasi ay lumabas sa isang artikulo sa Inquirer.net ang balita na hanggang sa April na lang mananatili sa ere ang serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon sa report ng Inquirer:

A source told us that the final taping week is already scheduled and many of the cast members are already aware that the show will already have its finale next month.

Lumabas din ang balitang ito sa Daily Tribune kung saan nabanggit ang pagtatapos ng series sa susunod na buwan.

PHOTO: Facebook | Daily Tribune

Naging laman din ng ilang Facebook fan pages at entertainment pages ang nasabing ‘fake news.’

 

At dahil nga itinanggi na ng ABS-CBN ang balita, mukhang matagal pa nating masusubaybayan ang mga misyon ni Carlo Dalisay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!