Erich Gonzales, bagong ka-loveteam ni Enrique Gil?

Usap-usapan ngayon sa social media ang posibleng pagtatambal nina Erich Gonzales at Enrique Gil.

Ayon sa kumakalat sa mga Kapamilya fan pages, si Erich umano ang papalit kay Liza Soberano sa isang proyektong pagtatambalan sana nina Enrique at Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

 

RELATED STORIES:

Matatandaang napabalita ang pagbabalik-telebisyon ng tambalang Liza at Enrique o LizQuen para sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Sila ang umano’y napiling bibida sa Philippine adaptation ng Korean drama na It’s Okay To Be Not Okay.

At ngayon ngang umalis na si Liza sa poder ni Ogie Diaz bilang manager niya at lumipat sa kumpanya ni James Reid, tila iba na ang prayoridad ng aktres.

Sa mga interview sa kaniya ng press kamakailan, ibinahagi ni Liza ang planong pagsubok na pumasok sa Hollywood.

Nilinaw rin niya na kung may gagawin man siyang proyekto para sa telebisyon, mas pipiliin pa rin niya ang ABS-CBN.

Samantala, si Enrique naman ay nakita nang nakipag-meeting sa ABS-CBN bosses para sa kaniyang comeback project matapos ang dalawang taong pamamahinga.

RELATED STORIES:

Ang tanong ng netizens, ito na nga kayang inaabangang Pinoy version ng KDrama ang una niyang gagawin?

Kung ito man, sino na ang makakatambal niya kung abala na si Liza sa pagpasok sa Hollywood?

Maging si Enrique ay nagsabi na rin na wala munang LizQuen projects sa kasalukuyan.

“Pero darating po ‘yan, promise. Gusto ko muna i-follow ni Hopie ‘yung dream niya mag-Hollywood, mag-US.

“Alam mo, kung mahal mo ‘yung tao, kahit anong gusto niyang gawin, susuportahan mo talaga.

“Wala munang LizQuen projects as of the moment kasi busy pa ‘yung baby ko.”

Narito naman ang komento ng ilang netizens tungkol dito (published as is).

”Sayang naman. Bagay pa naman kay Liza yung role.”

”Awww… LizQuen pa rin.”

”Okay lang naman na subukan nila ang ibang ka-partner.”

”Ayos yan, ibang putahe naman. Hindi puro na lang sila.”

”Mukhang bagay naman sina Enrique at Erich.”

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: