Tambalang Liza Soberano at Enrique Gil, bubuwagin na?

Naging mainint na balita kamakailan ang pagpapalit ng manager ng Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Ang dating manager nito na si Ogie Diaz mismo ang nagkumpirma ng balita na si James Reid na ang tatayong manager ng aktres.

Kasunod ito ng pagkalat ng ilang larawan na magkasama sina Liza at James sa ilang events sa America.

Ang kagustuhan umano ni Liza na subukang pumasok sa Hollywood ang naging dahilan upang lumipat ito ng management.

Nangako pa rin naman ito na mas pipiliin pa rin niya ang ABS-CBN kung gagawa man siya ng teleserye o anumang proyekto sa bansa.

Naging palaisipan naman sa ilang netizens kung ano na ang kahihinatnan ng loveteam nina Liza at ng kasintahang si Enrique Gil na mas kilala bilang LizQuen.

Kung magiging abala na si Liza sa Hollywood, posible pa rin kayang magkaroon ng mga proyektong pagsasamahan ang dalawa?

At ngayong iba na nga ang manager ni Liza, paano na si Enrique na sa ngayon ay nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic ng ABS-CBN?

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Goodbye LizQuen na ba?”

”Baka magkadebelopan na sina James Reid at Liza.”

”Oh, no. Isa pa naman sila sa favorite love team ko.”

”Magiging busy na si Liza abroad tapos dito si Enrique sa Pinas, so wala na?”

”Napabalita pa naman na ang LizQuen ang bibida sa Pinoy adaptation ng It’s Okay To Be Not Okay dati. Sad.”

”Baka naman maging sina James at Liza na ang magka-love team?”

”Mukhang malabo nang magkaroon pa ng projects ang LizQuen.”

”Goodbye ABS-CBN na rin yan for sure.”

”Nakaka sad naman yan. Paano pa sila magkakasama nyan?”

“Baka lumipat na rin si Enrique sa kampo ni James.”

”Ang ending nyan, si James Reid at Liza pa ang magkatuluyan. Hahaha”

”Wala na rin namang JaDine, baka mawala na rin ang LizQuen.”

”KathNiel na lang ang malaks ah.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: