AJ, Raval, iginiit na hindi siya naging third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Sa kanyang Facebook post, muling iginiit ng sexy actress na hindi siya ang naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ito ay matapos pa rin siyang makatanggap ng pambabatikos sa social media kasunod ng pagkalat ng mga papparazzi photos at videos nila ng aktor.

Ikinatwiran din niya na mabuti siyang tao at hindi niya kayang gumawa ng masama.

“JUST TO BE CLEAR, HINDI AKO ANG NAGING THIRD PARTY. OKAY GUYS?

“MABUTI AKONG TAO AT HINDI KO KAYANG GUMAWA NG MASAMA, KUNG MAKA BASH NAMAN KAYO PARANG NAKAPATAY AKO NG TAO HAHAHA 😂”

Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kontrobersiya.

THANK YOU SA MGA NAKAKAINTINDI AT SA SUPPORT NA NATATANGGAP KO NA APPRECIATE KO KAYONG LAHAT.

“SPREAD LOVE NOT HATE ❤️❤️❤️“

Matatandaang inamin ni Aj ang panliligaw sa kanya ng aktor at may basbas na ito ng kanyang ama na si Jeric Raval.

Maging ang kanyang ina na si Alyssa Alvarez ay ipinagtanggol siya kamakailan laban sa mga bumabatikos sa kanya.

Sa kabila ng pagkalat ng mga larawan nila ni Aljur kung saan makikita ang sweetness at closeness nila, sinabi ni AJ na nasa “getting-to-know-you” stage pa lamang sila ng aktor.

Sa isang interview ay ibinahagi niya na malaki ang posibilidad na tuluyang mahulog ang loob niya sa aktor.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya.

“Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur.

“Napaka-pure po, totoong tao.

“Possible naman po na ma-in love ako sa kanya.”

Sa isa pang interview ay inamin din ni AJ ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa sa kasalukuyan.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita.

“Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami.”

Sinabi pa nga niya na boyfriend-material si Aljur.

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.

“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know…”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: