Regine Velasquez, usap-usapan ng netizens dahil sa pagkanta nang nakabaligtad ang mikropono

Naging usap-usapan ng netizens ang pagkanta ng tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang baligtad ang pagkakahawak sa mikropono.

Nangyai ito noong Linggo, July 3, sa ABS-CBN musical variety show na ASAP Natin ‘To.

Ka-duet ni Regine sa isang song number si Jason Dy at nang kakantahin na niya ang part niya ay agad niyang napansin na mali ang pagkakahawak niya sa mikropono.

Mabilis din naman niya itong nabaligtad at maayos pa rin naman niyang nakanta ang part niya.

Sa Twitter, pabirong sinabi ni Regine na wala naman umanong nakapansin.

”Wala naman nakapansin di ba? 😂😂😂 #ehyungbaligtadmicko 😂 wag kayo maingay ha 😝🤪😂 hay”

Agad namang nag-reply ang ilan sa mga nakapanood.

Narito ang ilan sa kanilang tweets.

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: